NADINE, BINURA NA LAHAT NG PHOTOS AT VIDEOS NI JAMES SA IG NIYA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 22, 2022

Binura nang lahat ni Nadine Lustre ang mga larawan ng ex-boyfriend na si James Reid sa kanyang Instagram account.
Ultimo lumang videos na may sentimental value sa aktres ay binura na rin niyang lahat. Wala siyang tinira na anumang alaala mula sa ex-BF.
Tuluyan na ngang binura ni Nadine sa kanyang isip ang pangalang James Reid.
Kahit ilang taon na ring break ang JaDine, maraming fans pa rin ang umaasang magkakabalikan sila.
May kapalit na rin ang Fil-Am actor sa puso ng aktres, ang French guy na si Christophe Bariou, isang businessman na naninirahan sa Siargao.
Sa isang article na lumabas, sinabi ng aktres na ang buhay niya ngayon ay nasa bagong lalaking kanyang mahal.
Aniya, “I’m good, I’m happy. It’s different. I wouldn’t say mas okay or mas 'di okay, but it’s different.”
At lalong 'di na mangyayaring magkabalikan pa sila ni James dahil kamakailan naman ay naispatan din ang kanyang ex na kasama ang Korean star na si Nancy ng Momoland group.
Ayon sa tsika ay kumpirmadong magdyowa na rin daw sina James at Nancy.
At nito ngang weekend, tinuldukan na ni Nadine ang pantasya ng JaDine fans na magiging sila pang muli ng ex-BF.
Maraming na-heartbroken. Wala na raw talagang chance para sa JaDine.
Ang iba namang fans ay nagpapasalamat dahil binigyan sila ng former love team ng memories ng kanilang pagmamahalan.
"What a journey it has been. Thank you for all the memories, JaDine."
"Nadine Lustre's IG posts with James Reid from 2016 to 2020."
"There were no more traces of James in her IG account."
"Nadine deleted all her IG posts related to James. There were no more traces of James in her IG account. Please, I'm so heartbroken about this. My divorced parents, JaDine, ang sakit-sakit n'yo."
"Nadine archiving/deleting a lot of photos. What a journey it was, love. So happy to see where u both are right now."
"Happy moving on. A bright future finally."





Comments