top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

NADINE AT BF, NANAY AT TATAY NA ANG DATINGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 2, 2023



Nasa France ngayon ang magdyowang sina Nadine Lustre at Christophe Bariou. Ang daming kinilig sa bagong post na picture ng aktres habang nagbabakasyon sa ibang bansa.


Agad namang nag-viral sa social media ang naturang post ng aktres. Makikita rin dito ang view mula sa binansagang “City of Love”, lalo na ang Opera Garnier.


Maging ang stylish outfit niya ay napansin ng mga netizens.


Komento ng mga ito, "You never fail to slay us with your outfit.”


“As always, napaka-expensive na naman ng look ni Nadine.”


“Kahit saan ka talaga ilagay, super aesthetic mo, Nadz.”


May ishinare rin si Nadine na larawan nila ng kanyang boyfriend na si Christophe at makikitang nasa isang “romantic place” ang dalawa.


Nilagyan naman ni Nadine ng caption na “Date” ang naturang picture.


Kahit simple at isang salita lang ang ginamit ni Nadine ay talagang kinakiligan na ito ng kanyang mga fans and supporters.


“Nakakakilig naman, lalo na ‘yung last picture!”


“Grabe naman po ‘yun!”


“Mom and Dad talaga ang vibes nina Nadine at Christophe.”


“Yes, Nadine’s bangs are back! Super-bagay and so gandaaaa! Love you both!”


Agree kami sa last comment na bagay na bagay nga kay Nadine ang bago niyang bangs at mas lumabas pa ang kagandahan niya dahil dito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page