NADIA, INAKUSAHANG NAG-MARIJUANA SA SENADO, PANALO SA KASO
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 7, 2026

Photo: Nadia Montenegro / FB
Panalo si Nadia Marie Inez M. Pla a.k.a. Nadia Montenegro sa piskalya sa kasong Unjust Vexation and Violation of RA 11313 laban kay Victor G. Patelo, miyembro ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).
Base sa post ng legal counsel ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ay binati niya ang kanyang kliyente.
“EARLY GIFT FOR NADIA MONTENEGRO BEFORE THE WOMEN’S DAY.”
“Congratulations Nadia Montenegro Pla
“This is an early gift for you before the women’s day on March 8.
“The resolution categorically stated that despite the fact that he knew that you were not smoking marijuana in the Senate of the Philippines on August 12, 2025, the respondent made an incident report which became the basis of the widespread false news against you last year not only to your extreme damage and prejudice but to your family as well.
“This is a testament that albeit you are a woman, you can fight so that YOUR TRUTH can be heard.
“I know what you have gone through and I am very happy to be your lawyer so that this vindication will be given and finally given to you. (emojis fist bump).”
Pagkalipas ng pitong buwan ay lumabas na ang resolusyon mula sa Office of Prosecutor, Pasay City na inilabas nitong Marso 2, 2026.
Ang resolusyon ay “premises considered, it is respectfully recommended that attached information for Unjust Vexation and Violation of Section 16 © of R.A. 11313 against respondent Victor Patelo be APPROVED and FILED in court.”Matatandaang nagpasa ng incident report noong Agosto 12, 2025 si Victor Patelo, miyembro ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), at nagdokumento ng mga insidente ng "hindi pangkaraniwang amoy" (diumano'y marijuana) sa isang comfort room ng Senado, partikular na binanggit na si Nadia Montenegro ay nasa lugar.
Nangamoy daw kasi ang comfort room para sa Persons with Disability kung saan madalas gumamit si Nadia dahil nga isa siyang PWD at nang lumabas siya ay sinalubong siya at hinila at sinabihan ng, “Ma’am just between you and me, ingat ka lang maraming naiinggit sa ‘yo” na tinanong naman ng staff ni Senator Robin Padilla ng “Bakit” si Patelo.
Sinagot daw si Nadia ng, “May nakasalubong ka bang staff ni Senator Lacson (Panfilo)? Naamoy ka raw gumagamit ng Chongki,” na ikinagulat ng aktres at sinabing vape ang gamit nito at ipinakita pa kay Patelo.
Dahil sa kumalat na isyung ito ay napilitang magbitiw si Nadia sa kanyang puwesto bilang staff ni Sen. Robin Padilla.
Ayon sa resolusyon, alam umano ng nag-report ng insidente na hindi gumagamit ng marijuana si Montenegro ngunit nagsumite pa rin ito ng report na naging dahilan para tawagin siyang “adik” sa social media.
Ayon sa abogado ni Montenegro na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, nagdulot ito ng matinding pinsala sa kanyang reputasyon at pamilya.
Aniya, “This revelation of her truth is the start of healing for Nadia.”
Kaya ‘di na-review…
LOST SABUNGEROS, ‘DI NAKASUNOD SA REQUIREMENT NG MTRCB
NILINAW ng MTRCB na ang pelikulang Lost Sabungeros ay hindi tinanggihan para
sa pagsusuri, sa halip ay hiniling sa mga producers na isumite ang mga kinakailangan para sa Board upang maayos na masuri ang pelikula.
Isa sa mga kailangan ay ang sertipikasyon na nagpapatunay na ang topic ng materyal ay hindi paksa ng anumang nakabinbing kaso sa mga korte.
Sinabi ng Board na ito ay kinakailangan upang sumunod sa sub judice rule, na nagbabawal sa pampublikong talakayan o paglalahad ng materyal na kasalukuyang nasa ilalim ng judicial consideration.
Ang naturang requirement ay naaayon sa mandato ng Board sa ilalim ng Presidential Decree No. 1986, na nagpapahintulot sa MTRCB na suriin ang mga motion pictures at tiyakin na ang mga materyales na ipinakita para sa pampublikong eksibisyon ay sumusunod sa mga umiiral na batas.
Sa ilalim ng Seksyon 3(c) talata vii ng dekreto, tahasang itinatadhana ng batas na ang mandato ng MTRCB ay: “Aprubahan o hindi aprubahan… xxx (vii) ang maaaring maging contempt of court o anumang quasi-judicial tribunal, o nauukol sa bagay na likas na sub-judice.”
Ayon sa MTRCB, hindi nakapagsumite ang produksiyon ng kinakailangang sertipikasyon.
Sa katunayan, sa isang liham na may petsang Peb. 12, 2026, sa MTRCB, ang direktor ng Lost Sabungeros na si Kristoffer J. Brazil ay kinikilala ang kinakailangan ng Board para sa naturang sertipikasyon.
Hanggang sa maibigay ang kinakailangang dokumento, sinabi ng Board na hindi ito maaaring magpatuloy sa proseso ng pagsusuri. Kaya't hindi tamang sabihin na dalawang beses na tinanggihan ng MTRCB ang pagsusuri sa pelikula.






Comments