Nadala na sa nangyari sa kanila ni Kathryn… DANIEL, ‘DI FEEL ISAPUBLIKO ANG RELASYON NILA NI KAILA
- BULGAR
- 5 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | October 17, 2025

Photo: FB Kaila Estrada & Daniel Padilla via STAR MAGIC
Matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ng aktres na si Kathryn Bernardo at ang pagkaka-link niya kamakailan kay Kaila Estrada, nagsalita na si Daniel Padilla tungkol sa estado ng kanyang love life.
Sey niya, “Ayoko s’yang maging showbiz.”
Sa Are You G? with MJ Felipe (AYGWMF) ay napag-usapan ang diumano’y relasyon nila ni Kaila.
Pagbabahagi ng aktor, mas preferred niya na i-keep ang kanyang relationships private and away from the spotlight.
Ayaw daw niyang pine-pressure ng iba, at mas gusto niyang hayaan na lang ang mga bagay na mangyari nang natural.
Kilala ang aktor na low-key mula nang naging sensational ang breakup nila ni Kathryn Bernardo, kaya he prefers to keep things private.
Hinggil naman sa rumored boyfriend ng ex niyang si Kath na si Mayor Mark Alcala, tahimik lang ang aktor. Ang concern niya ngayon ay ang love life niya.
Pahayag niya, “‘Wag na nating i-pressure ‘yung sarili natin, ‘wag na nating ilagay sa ganu’n, i-
showbiz pa ‘yun, pero you get my point? Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na alam mo ‘yun, ‘wag na.
“Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari. ‘Wag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayoko s’yang maging showbiz, eh. Well, ‘di pa rin naman maiiwasan, ‘di ba, pero may choice pa rin naman ako, ‘di ba?”
Siguro, ayaw na ni Deejay (Daniel Padilla) na maulit pa ang nangyari sa kanyang love life noong sila pa ni Kathryn Bernardo, kaya ibig niyang gawin munang pribado ang kanilang relasyon ni Kaila Estrada.
MAY haka-haka ang mga netizens na buntis na si Bea Alonzo.
Sa isa kasing video ng surprise birthday party ng staff ni Bea bago ang kanyang aktuwal na kaarawan ngayong October 17, magkasama sila ng boyfriend niyang businessman na si Vincent Co.
Naka-white top at pants ang aktres kung saan may hawak siyang bouquet. Pero sa video ay nasa likod ni Bea ang boyfriend habang hinihipan niya ang kandila ng kanyang birthday cake.
Sey ng mga Marites:
“Visible ‘yung baby bump? Or delulu lang ako... Sana, pregnant talaga si B.”
“Parang buntis si Ms. Bea Alonzo.”
“Happy birthday, Ms. Bea (looks like she's preggy).”
“Tumaba si BF at si Queen Bea.”
“Bagay na bagay sila ni Vincent Co. Sana, huwag na silang magkahiwalay dahil mukhang napakaresponsable at kahit bilyonaryo na, hindi s’ya mukhang suplado.”
“She looks preggy.”
As of this writing, hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa tsismis na buntis siya kay Vincent Co.
Last September kasi ay napabalitang engaged na ang dalawa. Nabalita ring magpapakasal na sila, pero sinabi ng aktres na hangga’t maaari ay gagawin niyang pribado ang kanyang love life.
Nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa kasal, sinabi ni Bea Alonzo na wala siyang masasabi tungkol dito, ngunit idiniin niya na siya ay masaya ngayon.
ANG akala ng mga audience ng It’s Showtime (IS) ay balik na sa pagho-host si Billy Crawford, isa sa mga dating original hosts ng noontime show.
Napanood kasi ang singer-TV host kamakailan sa nasabing programa bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan (TNT) kasama sina Karylle at Marco Sison.
Sa kanyang pagbabalik, nagpasalamat si Billy at inalala ang kanyang pagiging isa sa mga original na hurado ng segment.
Ayon sa kanya, nami-miss niya ang Showtime family at masaya siyang makabalik sa entablado. Ito na ang ikatlong beses na lumitaw si Billy sa show sa nakalipas na dalawang taon.
“As usual, nami-miss ko kayong lahat kaya nga nandito ako, nagbabalik ako,” ani Billy.
“Pinag-uusapan nga kanina, kami ni Sir Marco (Sison) and K (Karylle), isa ako sa OG (original) na hurado sa TNT. It’s such a pleasure being back here once again sa It’s Showtime. So maraming-maraming salamat sa Showtime.”
Ang pahayag ni Billy ay agad na umani ng papuri at tuwa mula sa mga manonood at tagahanga ng programa.
Marami sa kanila ang nagsabing tila kumpleto na ulit ang Showtime family.