top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nadal, kampeon sa Melbourne; Obiena, tuloy ang PHL campaign

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
2 min read

ni MC - @Sports | January 11, 2022





Ginapi ni top seed Rafael Nadal ang American qualifier na si Maxime Cressy 7-6 (6) 6-3 upang makopo ang korona ng Melbourne Summer Set 1 ATP 250 event at ito na ang kanyang preparasyon para sa darating na Australian Open.


Tila hindi napigilan ang pagiging ganado ng Kastila sa unang torneo niyang ito mula noong Agosto nang itiklop niya ang laro sa bisa ng panalo sa loob lamang ng 48 minuto.


Pinahirap si Cressy ni Nadal at kailangang depensahan ang tatlong break points sa unang service game hanggang kinakailangan niyang mag-tiebreak.


Pero si Nadal ang may sapat na gasolina para makaligtas sa set point at kunin ang first set win 7-6(6). Rumesponde si Cressy sa 2nd set para kunin ang 2-1 lead, pero agad rumesbak si Nadal at ibigay ang set back serve.


Dito uli umalagwa ang Kastila para sa 5-3 hanggang sa tuluyan nang angkinin ang titulo.


"I'm coming back from some challenging moments and injuries, so it means a lot to be here," ayon sa 20-times Grand Slam champion at saka pinuri ang kanyang kasagupa.


"Congratulations Maxime, it's a great start to the season. I wish you all the very best for the rest of the season and your career."


Samantala, planong igiit ng Philippine Olympic Committee (POC) sa isang probisyon ng Olympic charter na matiyak na mananatiling magiging kinatawan ng bansa sa mga international competition si pole vaulter EJ Obiena.


Ito, ayon kay POC President Rep. Abraham "Bambol" Tolentino ay nang katigan ng national Olympic committee (NOC) si Obiena sa gitna ng sigalot na namagitan dito at sa sarili niyang national sports association (NSA).


Unang nagbanta ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na alisin si Obiena sa national team pool at kasuhan ng estafa dahil sa diumano'y misappropriated funds. "Effective immediately" umano ang pag-aalis ng PATAFA kay Obiena sa national team mula sa rekomendasyon ng investigative committee.


Gayunman, napagkasunduan nilang iantala ang pagpapatalsik kay Obiena sa loob ng dalawang linggo at ang bawat partido ay inaasahan na magsusumite ng mediation na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page