top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nadadale ng COVID halos wala nang 1-K, humihina na nga ang virus

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Ka Ambo - @Bistado | January 6, 2021



Ginahasa at pinatay ang isang flight stewardess ng PAL sa isang hotel sa Makati City.


Gumagrabe na naman ang krimen!


◘◘◘


Hindi na naman sumunod sa protocol ang mga amuyong si P-Digong.


Anubayannn?


◘◘◘


Inilalabas ang resulta ng presidential survey.


Paaalala lang: Kung sino ang naunang nag-top sa maagang survey ay hindi siya ang nagiging pangulo ng bansa!


◘◘◘


Wala nang 1,000 ang tinatamaan ng COVID.


Meaning? Humihina na ang talab ng COVID pero ang ulat ng media—gumagrabe raw.


Ngek!


◘◘◘


Imbes na ituon ng media ang pag-uulat sa positibong sitwasyon, iginigiit pa rin ang paglala ng sitwasyon.


‘Yan ay pekeng konteksto ng ulat!


◘◘◘


Kakaunti ang nakauunawa ng konteksto.


Kabilang dito ang media na pinagmumulan ng impormasyon!


◘◘◘


Inaagaw na ng social media ang atensiyon ng publiko mula sa tradisyunal na mainstream media.


‘Yan ay mapait na katotohanan!


◘◘◘


Kahit ang advertising budget ng mga korporasyon ay nagbawas ng kontak sa traditional media entities tulad ng TV, newspaper at billboard.


‘Yan na ang bagong normal—na pinatindi ng COVID!


◘◘◘


Naiwanan na ang mismong kurikulum ng mass communication courses sa iba’t ibang unibersidad.


‘Yung tinatalakay nila ay nalipasan nan ang deka-dekada nang panahon!


◘◘◘


Hindi ito nararanasan lamang sa Pilipinas, bagkus ay sa buong daigdig.


Digital na ang lipunan.


Pero, kakarampot ang nakakaunawa kung ano ang “digital age”!


◘◘◘


Ang mga paslit ay may sarili nang daigdig—dahil sila ay nagkaisip kakambal ang gadgets.


Pero gusto ng mga matatanda ay sila ang magdikta sa bata.


‘Yan ang tinatawag na “generation big gap”!


◘◘◘


Cultural shocked ang nararanasan ng ating daigdig.


Kumbaga, ang mga tagabundok ay namumuhay kasama ang mga nagmula sa “ibang planeta”.


Mahirap unawain ang nagaganap sa paligid!


◘◘◘


Kung sino ang makaunawa sa kabataan ay siyang magkakamal ng salapi.


Ang problema ay kung paanong makaka-exist ang modernong kabataan sa gitna ng mga hambog na lider mula sa sinaunang panahon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page