top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nabuwisit na… VICE, IBINULGAR ANG MGA AWAY NG MGA HOSTS NG IT'S SHOWTIME

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 25, 2022



Nabuwisit na siguro si Vice Ganda sa mga netizens na walang tigil sa kakukulit sa kanya kung bakit siya laging wala sa It’s Showtime at ipinipilit na ang dahilan ay hindi sila okay ng mga co-hosts niya kaya sumagot na rin siya.


Pero aliw ang sagot ni Vice dahil idinaan niya ito sa pang-ookray din.


Tweet ng netizen na si Ruby B. Victorino, “Ano ba'ng problem Ms. Vice? Bakit natitiis mo kaming mga followers mo at ang viewers ng Showtime. Finals last Saturday, siguro naman kahit may shooting, puwede kang payagan ng producer na mag-absent kahit one day lang.


Siguro nga, totoo na hindi na kayo okay ng mga cast ng Showtime.”


Simulang sagot ni Vice, “Totoo po lahat ng mga nasa isip n'yo. Wala naman po talagang dahilan kung ba't ako absent last Sat. Tinamad lang ako talaga. At totoong may mga issues kami ngayon sa Showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na.”


Ang mga sumunod na tweets ni Vice ay winner na winner.


“Una, TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na 'tong alitan na 'to na 'di naayos.


It's been 13 yrs. na 'di ma-resolve ang issue kung sino sa 'min ang chaka. And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok n'ya ang kamay ko at till now, 'di ko pa nababawi. I hate Anne for life!” tweet niya.


“Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Mag-partner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na mag-choreo dahil mabagal pumick-up ng sayaw si Jhong. 'Di makuha ni Jhong ang step ng Lintik Na Pag-Ibig at napikon na si Ion at nagpang-abot sila,” sumunod niyang tweet.


Tawa rin kami nang tawa sa isa pa niyang dahilan.


Aniya, “Pangatlo, NAGMURAHAN SINA TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa studio nang masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nag-sorry ito. Ayun, minura siya ni Teddy.”


Sinundan pa ito ni Vice ng isa pa, “At eto na nga ang pang-apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng Showtime. Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People… nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz.”


Sa sumunod na tweet ni Vice ay nabanggit niyang magre-renew na siya ng kontrata sa It’s Showtime next week.


“Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa Showtime. Tama ang mga nasa isip n'yo.


Kaya naman tamad na tamad na 'kong pumasok. At dahil d'yan, gusto ko nang mag-resign.


At dahil gusto ko nang mag-resign ay may contract signing po ako next, next week. Ok na po??


Happy??” pang-aasar ni Vice.


Hahaha!


Sa kanyang huling post ay binati ni Vice Ganda ang It’s Showtime para sa ika-13th anibersaryo ng show at sinabihan ang madlang people na magkita-kita sila sa Wednesday which means papasok na siya on that day.


“Happy 13th Anniversary It’s Showtime!!! See u Wednesday! Miss u and love u!!!” aniya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page