Nabuntis daw ng ex-BF… MAXENE, NAGSALITA NA SA PAGKADAWIT SA HIWALAYANG ANGEL-NEIL
- BULGAR
- Nov 18, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 18, 2022

Bagama't walang tinukoy si Maxene Magalona sa kanyang cryptic post na quote card na ganito ang nakasaad: “Just sit back and observe. Most things don’t deserve a reaction,” marami ang naniniwala na sagot ito ng aktres sa napapabalitang siya ang third party sa hiwalayan diumano nina Angel Locsin at Neil Arce.
Dati nang magkarelasyon sina Maxene at Neil pero ngayon ay natsitsismis na naman lalo't umamin ang aktres na hiwalay na siya sa asawang si Rob Mananquil.
Nakakatawa nga naman kasi ang mga isyung ipinupukol kay Maxene na ikinakalat pa ng ilan sa socmed na buntis diumano ang aktres, gayung kitang-kita naman sa ipinost niyang recent photo na kuha sa wedding na pinuntahan niya na napakanipis ng kanyang katawan at flat na flat ang kanyang tiyan.
Kesa nga naman magpaliwanag pa sa pagdawit sa kanya kina Angel at Neil, manahimik na lang.
May kasabihan nga: "Less talk, less mistake."





Comments