Nabulaga ba kayo? EAT BULAGA!, TULOY PA RIN, MAINE PAPALITAN NG ANAK NI JALOSJOS
ni Julie Bonifacio @Winner | March 12, 2023

Speaking of Eat… Bulaga!, tila nagkakaroon na ng linaw ang isyu ng pagkawala sa ere ng longest-running noontime show.
Mukhang nagkaroon ng pagkakasundo ang mga “bagong” mamamahala at may-ari ng produksiyon ng EB! at matutupad ang “hiling” ng isa sa mga main hosts ng show na si Joey de Leon.
Hirit daw kasi ni Joey, tumagal pa ang EB! for another six years at makapag-celebrate sila ng 50th anniversary. Ito raw ang dream ni Joey for the show and will definitely make history on Philippine television not only as the longest but the only program na umabot nang 50 years sa ere.
Sinegundahan pa raw ni Tito na hindi mawawala ang EB! sa telebisyon.
Pero ang ‘ikinataranta’ ng mga netizens ay ang tsika na papalitan daw si Maine Mendoza as female host ng show ng anak na babae ni Romy Jalosjos, ang tunay na may-ari ng EB!.
Ang tinutukoy nila na anak ni Romy Jalosjos ay si Lana Jalosjos-de Leon. Siya ang nag-iisang anak na babae ni Romy sa dating singer na si Lourna Pal. Kapatid na buo ni Lana si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na balitang magiging tagapamahala na ng EB!.
Baka nga true ang tsika na magbababu na si Maine sa EB!. May tsika kasi na magpapakasal na si Maine sa fiancé niyang si Cong. Arjo Atayde this year.
Let’s see.





Comments