top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabudol daw sa Uganda, na-trauma… HERLENE, PAAWA EPEK LANG PARA PAG-USAPAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 6, 2022



Base sa kuwento ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl, maraming kapalpakan ang nangyari sa pagpunta niya sa Uganda upang makipag-compete sana sa Ms. Planet International Beauty Pageant.


Bukod daw sa hindi inasikaso ng mga organizers ng pageant ang tutuluyang hotel ng mga kandidata, ginutom pa sila at kinailangan ni Herlene na manghingi ng tulong at magpalibre ng pagkain sa ilang Pinoy OFWs na nakilala niya sa mall na pinagdalhan sa kanila sa Uganda.


Ibig bang sabihin, wala man lang dalang sariling pera o allowance si Herlene nang bumiyahe papuntang Uganda?


Saan napunta ang kinita ni Herlene sa kanyang mga endorsements at 'yung napanalunan niya sa mga special awards niya sa Bb. Pilipinas-Universe?


Ang alam namin ay kasama naman niya ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.


Pinabayaan ba siya nito?


Para tuloy hindi kapani-paniwala ang mga nangyari kay Herlene Budol sa Uganda na halos namalimos siya sa mga OFWs para lang may pambili ng pagkain at may matirhan.


Parang scripted daw ang nangyari upang patuloy siyang kaawaan at pag-usapan.


Payo naman ng mga nagmamalasakit kay Hipon Girl ay harapin na lang ang kanyang showbiz career at kalimutan na ang pagsali sa mga beauty pageants. Mabuti na lang at may kontrata siya sa GMA Network kaya nabigyan siya ng serye na kanyang pagbibidahan. Nag-resume na ang teyping ng kanyang serye at sana ay mag-focus siya rito nang mabuti.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page