Nabiktima ng basag-kotse… REKLAMO NINA RONNIE AT LOISA, DINEDMA LANG NG MGA OTORIDAD
- BULGAR
- Dec 5, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 5, 2022

Nakakalungkot ang nangyaring pagnanakaw at pagbasag sa bintana ng kotse ng reel-and-real love team na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Bacoor City, Cavite nu’ng December 1, 8 PM.
Pamilyar kami sa lugar kung saan naganap ang nakawan sa bagong bukas na coffee shop na joint business venture nina Ronnie at Loisa, ang Farron Café.
Exactly two weeks ago (November 21) ay naimbitahan kami sa grand opening ng coffee shop nila sa Bacoor City.
Puring-puri pa man din namin ang location ng venue kasi nasa highway mismo ang coffee shop at malapit sa schools, universities at naglalakihang subdivisions. But it turned out na ‘di pala siya safe sa mga kawatan.
Ang saya-saya pa naman nina Loisa at Ronnie na bukod sa sarili nilang kikitain sa kanilang kauna-unahang pagsososyo sa negosyo, nakapagbigay din sila ng hanapbuhay sa mga taga-Bacoor.
Pero ‘yun na nga, can’t blame them kung disappointment at galit ang nararamdaman nila ngayon.
Ang siste pa, balita namin, pagkatapos mag-report sa kinauukulan nina Ronnie at Loisa sa bayan ng Bacoor ay wala raw masyadong ginawang aksiyon sa pagsasampa nila ng reklamo.
Ouch!





Comments