top of page

Nabigo sa pag-ibig, para makalimot… JOSHUA, 2 ARAW 'DI NALIGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2023
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 27, 2023


ree

Mapapapalakpak talaga ang mga taga-industriya sa kauna-unahang collaboration ng GMA-7, ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at ng streaming platform na Viu sa pamamagitan ng drama series na Unbreak My Heart.


Sa ginanap na mediacon ng Unbreak My Heart, hindi namin mapigilan na kiligin dahil sa na-witness namin ang isang malaking event sa showbiz gaya ng pagsasanib-puwersa ng dating rival giant TV networks.


Very good choice rin ang kinuha nilang malalaking artista from both networks na magbida sa history-making drama series sa bansa sa pangunguna ng mahusay na aktres na si Jodi Sta. Maria at nina Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia.


Simula nang mapanood namin si Gabbi sa pelikula nila ng real-life partner niyang si Khalil Ramos, ang LSS (Last Song Syndrome) directed by Jade Castro, na-in love na kami sa Kapuso star na ito.


Very pleasant kasi siya sa screen at may ibubuga talaga sa aktingan. Kaya ‘di kami nagtaka na nakeri niya at ‘di nagpalamon sa mga eksena niya with Jodi and Joshua sa Unbreak My Heart.


In relation with Gabbi, someone asked a question to Joshua kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya with the Kapuso female star.


“Magaan siyang katrabaho. Uh, siya ‘yung masasabi ko na feeling ko, close pa rin kami pagkatapos nitong show. Alam mo ‘yun?


“Magkaibigan pa rin kami. And, magaan siya dahil nakakapag-open-up ako sa kanya. 'Di ba, nag-shoot kami abroad, malayo kami sa Pilipinas, siyempre, ‘di maiwasan na ma-miss mo ‘yung family mo, 'di ba?


“And Gabbi at si Ate Jodi, sila ‘yung mga nand’yan para makinig ng mga kung anu-ano’ng istorya ko. And as an actor, sobrang giving and professional siya (Gabbi). At, maalaga siya, sobra. Pero hindi lang sila, buong cast, nagdadamayan kami roon,” lahad ni Joshua.


Five weeks nag-shoot sina Jodi, Joshua, Richard at Gabbi sa Switzerland.


Sa mediacon, natanong din si Jodi about her reaction being the lead star ng first collab ng GMA-7, ABS-CBN, Dreamscape and Viu.


“I feel grateful, honored and blessed to be part of this project. And I would like to thank everyone who made this beautiful impossibility possible. To ABS-CBN and GMA, and of course, to Viu who will provide us streaming platform strengthening and showcasing Filipino talent worldwide. So, ‘yun po, I feel honored and very proud I’m part of this,” pahayag ni Jodi.


Sayang lang dahil ‘di nakadalo si Richard sa mediacon ng Unbreak My Heart na magsisimula nang mapanood sa GMA Telebabad, 11:25 PM on GTV sa Lunes, May 29.


It's also available on GMA Pinoy TV and TFC. It will also stream 48 hours before its TV broadcast in the Philippines on GMANetwork.com and iWantTFC, as well as in 16 territories outside of the Philippines on Viu simula sa Sabado, May 27.


Nagkuwento naman si Jodi sa kanyang karanasan sa una niyang pagtapak sa GMA-7 para i-promote ang Unbreak My Heart.


Panimula niya, “I would always see lang naman GMA from the outside, eh. ‘Yung facade lang ang lagi kong nakikita. I always wondered, ‘Ano kaya ang nasa loob ng studio nila, or nu’ng building na ‘yun? Meron din kaya silang mga offices or meron din kaya silang mga studios?' ganyan.


“So, when we were told that we were going to promote Unbreak My Heart in All Out Sundays, I’m like, ‘Where?’ And they said sa GMA. ‘Huh? Tatapak kami sa GMA?’


“So honestly, ano talaga, ‘yung unang sampa ko roon, ang surreal ng feeling and I just felt parang goosebumps all over my body. And parang siguro ru'n lang din nag-sink-in na, ‘OMG! This is really happening.'”



Binasa naman ng host sa mediacon na si Robi Domingo ang ipinadala naming question for Joshua na ano ang craziest thing na ginawa niya nu'ng mabigo siya sa pag-ibig.


Hindi agad nakasagot si Joshua at natawa lang muna.


“Base sa natatandaan ko, kailan ba ‘yung last ko?” pagre-remind ni Joshua sa sarili.


“Nag-pandemic kasi noon, eh. So, nu’ng time na ‘yun, craziest thing ‘yung feeling ko, inaabot ako ng dalawang araw sa computer nang walang liguan. Crazy ‘yun, ‘di ba? Walang tayuan ‘yun,” diin niya.


“Pero ‘di ba, may ganoon talaga ang lahat ng tao, just to cope doon sa nararamdaman niya?


And, uh, ‘yung computer, nakatulong sa akin. It’s an escape for me. Ayun.


“But actually, hindi pala siya nakatulong. Kasi naging escape siya sa nararamdaman ko.


Nu’ng nagsawa ako sa computer, mas doon ko naramdaman lahat. Doon ko nai-process lahat. Doon ko in-unbreak ang heart ko.”


Lastly, nag-comment din ang isa sa dalawang direktor ng Unbreak My Heart na si Direk Emmanuel Palo on what makes this series the right story for the first collab ng GMA-7, ABS-CBN, Dreamscape and Viu.


Paliwanag ni Direk Manny, “Ang haba ng pinagdaanang proseso bago namin nabuo ang treatment ng kuwento ng Unbreak My Heart, ‘no? Kasi we really want this to be the first collab between the two giant networks.


“We want the story to be really, really good, engaging, relatable and great. Kaya ang tagal ng proseso sa pag-conceptualize pa lang ng kuwento.


“And then, alam naman nating lahat, ‘no, ang isa sa pinakapaboritong kuwento ng ating manonood ay isang love story. Kung titingnan natin, some of the greatest shows and series revolve around couples who are in love, okay?


"So, what could be a better story than a great love story? So, ‘yun ang dahilan kaya nabuo ang Unbreak My Heart.”


Si Dolly Dulu ang isa pa sa mga direktor ng UMH, habang kasama rin sa bagong drama series sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yao, Mark Rivera, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca de Vera at Victor Neri.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page