top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nabawasan ang bilang ng kaso ng COVID-19, nag-stop kasi sa pagsu-swab ang Red Cross!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 25, 2020



Sunud-sunod na ang bagyo.


Baha naman ngayon ang problema.


Maanod sana ang COVID!


◘◘◘


MALAKI ang nabawas sa bilang ng mga positibo sa COVID.


Salamat sa Red Cross, hindi na kasi sila nagsu-swab!


◘◘◘


KAPAG nagbalik ang Red Cross sa serbisyo ng PCR test, darami na naman ang magkaka-COVID.


Ano ang ibig sabihin nito?


Ibig sabihin, ang pagdami ng bilang ng positibo sa COVID—ay nakabatay sa “dami ng testing process”—at hindi batayan kung gumagrabe o lumala ang pandemic!


◘◘◘


PERO, kahit mag-testing ulit ang Red Cross—hindi apektado rito ang bilang ng mga namamatay sa COVID.


Ibig sabihin, maling pagbatayan ang bilang ng mga nahawa sa COVID tungkol sa paglala ng epidemya.


Ang kongkretong batayan lamang ay ang ratio ng namatay sa COVID batay sa bilang ng aktuwal na populasyon at bilang ng aktuwal na namatay sa naturang sakit!


◘◘◘


KUNG ang pagbabatayan ay ang ratio ng bilang ng mga namatay sa COVID at bilang ng kabuuang populasyon—malinaw na hindi grabe ang sitwasyon sa Pilipinas.


Dahil hindi grabe ang sitwasyon—maling desisyon ang “unlimited lockdown” na nagpaguho sa ekonomiya.


Ito ay simpleng sintido-kumon na ipinagwalambahala ng mga decision makers!


◘◘◘


ANG panic na ibinunsod ng WHO sa mga opisyal ng gobyerno ay pinakamalaking kasalanan at pagkakamali sa kasaysayan ng daigdig.


Nagkukumpirma ito na ang WHO experts ay kapos sa “intelligence at wisdom” na kailangan sa gitna ng krisis!


◘◘◘


ANG nagpabagsak sa ekonomiya ng buong daigdig ay hindi ang COVID, bagkus ang nagpabagsak ay ang WHO at ang mga national leaders na napaniwala nila.


Kahit malinaw ang katotohanan—hanggang ngayon, ang WHO pa rin ang sinusunod ng mga bopol na lider ng gobyerno!


◘◘◘


TUMPAK ang desisyon ni US president Donald Trump na tanggalan ng ayuda ang WHO.


Ito ay dahil hindi nagampanan ng WHO ang kanilang obligasyon at responsibilidad na protektahan ang populasyon ng US at buong daigdig laban sa COVID!


◘◘◘


LUMALA ang world pandemic dahil sa maling desisyon ng WHO.


At ang makikinabang dito ay ang mga dambuhalang pharmaceuticals na siya ring “nagdidikta” sa WHO gamit ang ayudang pinansiyal!

◘◘◘


HINDI isyu kung peke o inimbento ang COVID.


Ang isyu ay ang kaduda-dudang palpak na pangangasiwa ng WHO sa pagsisimula ng pandemic.


At ang nakatakdang pagkakamal ng salapi ng mga vaccine manufacturers na siya ring donor o nagpapatakbo ng WHO.


Maunawaan sana ito ng lahat—partikular ang kabataan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page