top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Na-wow mali sa hosting sa Miss U-Phils. ALDEN, PROUD NA STEVE HARVEY NG 'PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 23, 2023



Tinanggap naman ni Alden Richards ang kanyang naging sablay sa pagho-host ng Miss Universe-Philippines na ginanap last May 13, 2023.


Sa interview ni Ogie Diaz kay Alden, sinabi ng aktor na masarap daw sa pakiramdam na makapag-host ng isang prestigious pageant. Pero 'yun nga lang, nagkaroon ng kapalpakan.


"Masarap ho sa pakiramdam, different experience po. Kaya lang, medyo sablay nu'ng una, eh," sabi ni Alden.


Matatandaang sumablay si Alden sa announcement ng Miss Friendship award.


Inanunsiyo niya na ang kandidata mula Agusan del Norte na si Jannarie Zarzoso ang nanalo. But it turned out na ang winner talaga ay si Shayne Glenmae Maquiran ng Capiz.


Binawi agad ito ni Alden at wagi rin naman kasi si Miss Agusan del Norte ng Face of Social Media Award kaya sabay na sila sa stage ni Miss Capiz.


Dahil dito ay nabatikos ng mga netizens si Alden at ang bansag pa nga sa kanya ay nagpaka-Steve Harvey daw ang aktor.


Sino ba naman ang makakalimot sa naging napakalaking kontrobersiya na pagkakamali ng American TV host na si Steve Harvey sa pag-announce ng pangalan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez bilang Miss Universe 2015 sa halip na si Pia Wurtzbach ng Pilipinas?


Ayon kay Alden, nasalo naman niya agad ang pagkakamali at wala naman daw siyang sinisising ibang tao sa nangyari.


"Wala naman pong may kasalanan. Ayoko naman pong manisi ng ibang tao, pero na-address naman po. Nasalo naman po natin nang maayos and sana po, hindi 'yun ang huli. Sana po, makapag-host pa tayo ng ibang prestigious pageants," he said.


Paliwanag ni Alden, baligtad 'yung pagkakalagay ng mga pangalan ng dalawang winners.


"Nasa ilalim po 'yung Friendship, tapos nasa itaas po 'yung Social Media. Eh, Friendship po 'yung una kong binanggit," depensa niya.


Pareho naman daw na nanalo ang dalawang binanggit niyang kandidata at naitama rin naman niya agad ang pagkakamaling ito.


Sa bansag sa kanya na siya na raw ang bagong Steve Harvey, natawa na lang ang Kapuso actor, "I take that as a compliment po," sambit niya.


Natutuwa naman si Alden na mas marami raw ang pumuri sa kanya dahil sa maayos niyang pagkakasalo ng pagkakamali.


"More on natatawa po sila (mga netizens), kasi parang kung paano ko raw po na-handle 'yung ganu'ng situation. Pero it's really more of... kung pangit po kasi ang pagkakasalo nu'n, medyo ka-bash-bash po 'yun, eh. Pero kung hindi po natin naitawid nang maayos, which is naitawid naman po, naging maayos naman po 'yung delivery ng awards," aniya.


Nagpasalamat ang aktor sa training niya bilang host sa programang Eat... Bulaga! dahil dito niya natutunan kung paano itatawid nang maayos ang mga ganitong pagkakamali.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page