top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Na-wow mali! RUFA MAE, NAG-COMMENT NG 'SANA ALL' SA NAMATAY NA SI MISS USA CHESLIE KRYST

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 07, 2022




Sincere ang naging paghingi ng public apology ni Rufa Mae Quinto sa pamilya ng namatay na si Miss USA's Cheslie Kryst.


May post kasing napakaseksing larawan ang banyagang beauty queen kung saan nag-comment ang comedienne-actress ng "Sana all".


Binatikos nģ mga netizens si RMQ dahil ang artikulo ay tungkol sa pagkamatay ni Cheslie nu'ng January 30.


Ang siste, hindi pala kasi binasa ni Rufa Mae ang artikulo at pati ang caption ng larawan ng former Miss USA.


Agad namang humingi ng pasensiya si Rufa sa kanyang Instagram account.


"Sens'ya na po. My deepest sympathy to her family. Napakaganda at sexy kaya nasabi ko na sana all ganyan ka-perfect. Nabilib kasi ako sa ganda and sexiness. Nabitin lang po sa text."


Pag-amin pa niya, "And yes, 'di ko nabasa buong caption. Hanggang Miss USA lang po nakita ko. So, yes, read more nga."


Heto naman ang komento ng mga netizens for Rufa na kasalukuyang nasa Amerika pa rin.


"I know it’s an honest mistake. Don’t worry, Booba, I got your back."


"I like Booba. Positive vibes lang kasi siya, na-appreciate niya beauty."


"'Hanggang Miss USA lang po nabasa ko.' Ang honest naman. Ganitong apology sana, sincere at totoo. Kaya naniniwala ako kay Rufa. Next time, basahin na until end, ah."


May nagsabi naman sa kanya na, "That’s our Kween of Accountability."


"Kaya take time to read. Reading the caption will only take you less than a minute. Naalala ko 'yung nangyari sa friend ko. B-day niya pero ang nai-comment ng isa niyang friend ay condolence, dahil sa picture ng scented candle at roses na regalo sa kanya ng husband niya.


Ayun, nasira ang araw ni b-day girl. May caption naman na thank you honey for the surprise..."


"I believe innocent mistake naman talaga 'to. Sometimes 'di ko rin binabasa buong caption.


Nagkataon lang na very unfortunate ng nangyari pero baka 'di niya naman nabalitaan

beforehand ang nangyari kay Ms. USA. Lesson learned."


"It's ok, Rufa Mae! Her apology is so sincere. Isa 'to sa mga artista na walang haters talaga. Be careful next time."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page