Na-wow mali… MGA CELEBS, NAG-POST NG PAKIKIRAMAY SA PAGKAMATAY NI MIKE
- BULGAR
- Nov 11, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 11, 2022

Ang daming nagulantang sa balitang pumanaw na kahapon (Nov. 10) ang veteran newscaster na si Mike Enriquez. Pero kaagad din namang nalinaw na fake news ito at buhay na buhay pa ang batikang broadcaster.
Isa sa mga unang nag-post ng pagpanaw ni Mike ay ang singer na si Richard Merk sa kanyang Facebook page.
“Rest in peace Tito Mike. We will all miss you. A great loss to the news industry. Labyu, Tito. My sincere condolences to your loving family and friends. Enjoy the company of our dear creator in heaven,” ang nakasaad sa post ni Richard.
Isa pang nag-post ay ang veteran character actress na si Loly Mara.
“This photo with Mike Enriquez and his wife was taken 3 yrs. ago at Nora Trajano’s b-day. I’m glad I saw Mike after many years and now he’s happy in heaven with the Lord. Rest in peace, dear Mike,” ang nakalagay naman sa post ni Loly.
Ang balitang ito ay kaagad na nilinaw ni Arnold Clavio at ipinaalam na fake news ang pagpanaw ng kanyang fellow Kapuso broadcaster.
“Mga minamahal, nakausap ko po si Ama, Mr. Mike Enriquez. Buhay na buhay at ang kanyang mensahe: FAKE NEWS!” ang post ni Igan sa kanyang FB page.
Binura naman agad nina Richard at Loly ang kanilang post at humingi rin ng paumanhin ang huli kay Mike.
“Some persons told me that Mike Enriquez is very much alive! The news I got about his passing was few years ago. Many condoled and no one said otherwise.
“I’m very, very sorry if it was a fake news. Forgive me, Mike! Sabes que te quiero mucho mi amor (in Tagalog, alam mo na mahal na mahal kita, my love,” ang post ni Loly.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima si Mike ng death hoax. Medyo matagal-tagal na rin kasing hindi napapanood ang batikang broadcaster sa 24-Oras.
Matatandaan ding nag-medical leave ito matapos sumailaim sa kidney transplant last Dec. 2021.




Comments