top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Na-trauma raw pero... DENIECE, HULI SA VIDEO NA TODO-KILIG AFTER MA-RAPE RAW NI VHONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 7, 2022


Makakalaya na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail pagkatapos siyang payagan na makapagpiyansa ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa komedyante at TV host.


Tumataginting na isang milyong piso ang hininging halaga ng korte kay Vhong para sa kanyang pansamantalang paglaya.


Kung matatapos ang pag-aayos ng mga dokumento ni Vhong para sa kanyang paglaya after lumabas ang desisyon ng korte noong Lunes, December 5, maaaring nakalabas na ng Taguig City Jail ang komedyante ngayong araw.


Batay sa pag-aanalisa ng korte, hindi convincing ang naging pahayag ni Deniece nu’ng ipinatawag siya para magsalita sa witness stand during the hearing.


Marami raw inconsistencies sa mga nakalagay sa affidavit ni Deniece na ayon sa korte ay “too material to ignore.”


Tatlong affidavits na may iba’t ibang versions din daw ang ipinasa ni Deniece sa korte.


Ayon kay Judge Loralie Cruz Datahan, “This Court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt.”


Mismong si Deniece pala ang naggisa sa sarili niya kung pagbabasehan ang pinagbatayan ng desisyon ng Taguig RTC.


Hindi napabilib ni Deniece ang korte sa sagot niya kung bakit inabot pa ng isang taon pagkatapos maganap diumano ang pangre-rape sa kanya ni Vhong bago siya nagsampa ng kaso.


Natakot daw si Deniece na magsampa agad dahil suportado si Vhong ng kanyang TV network, politicians and bashers. Nakatanggap din daw siya ng threats in the form of victim-blaming.


“The prosecution, however, failed to adequately explain why the complainant was scared to report the first incident (January 17, 2014), but not scared to report the second one (January 22, 2014), when both supposedly involve rape by the accused,” saad ng korte.


Bagkus, pinagtuunan ng pansin ng korte ang “aksiyon at reaksiyon” ni Deniece pagkatapos ng bintang na rape kay Vhong.


Inamin ni Deniece na nagpadala siya ng text messages na "Bad boy ka” and “sweetie” kay Vhong.


Ang isa pang nakakalurky na pahayag ni Deniece sa witness stand ay nu’ng kunin ang reaksiyon niya ng korte kung bakit mukhang masaya at kinikilig siya sa video habang nakasakay sa elevator pagkatapos ng alleged rape sa kanya ni Vhong.


Pahayag ni Deniece, “What’s wrong with that.”


“The foregoing statements of the complainant are, to the mind of this Court, inconsistent with her claim of trauma, and outside the reasonable expectations for someone who just underwent a painful ordeal,” lahad ng korte.


Hindi rin daw napatunayan ni Deniece na pina-take muna siya ng drugs ni Vhong bago naganap ang alegasyong rape.


Ni wala palang medical record si Deniece na ipinrisinta sa korte. Basta ang sinabi lang ni Deniece sa korte, “Because I’m not sure about it.”


Ang dami namang netizens na natuwa sa naging desisyon ng korte sa pagpayag na magpiyansa si Vhong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page