Na-trauma raw… DAVID, SINISI ANG SARILI SA PAGKAMATAY NG BFF SA CAR ACCIDENT
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 16, 2023

Tandang-tanda pa ni David Licauco ang aksidenteng kinasangkutan noong 2013 na kumitil sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.
Ibinahagi ito ng aktor sa kanyang latest interview sa vlog ni Karen Davila.
"Magbabarkada kami, high school friends and we decided to go to Tagaytay. Then, nu'ng pauwi na kami, na-hit namin 'yung gas truck sa SLEX (South Luzon Expressway)," panimulang kuwento ni David.
Nasa harap daw siya at nakaupo sa passenger seat, kung saan katabi niya ang kaibigang nagmamaneho.
Bago raw sila naaksidente ay parang may nagbigay ng 'warning' sa kanya dahil pinaalalahanan siya ng parking boy sa lugar na pinuntahan nila na magsuot ng seatbelt.
"Parang miracle siya, kasi I remember, nu'ng nagba-backing 'yung kotse sa Leslie's, 'di ba 'yung parking boy, usually nasa side nu'ng driver? Pero, for some reason, parang miracle na lang for me, na nandoon siya sa side ko.
"Sabi niya, 'Sir, seatbelt lang po, ha?' So parang... pero, nakatulog ako kasi I was really sleepy."
Pagdating nila sa toll gate ay bigla na lang daw siyang nagising dahil parang may gumigising sa kanya at doon pumasok sa isip niya ang paalala ng parking boy na magsuot ng seatbelt.
"Then, I did. Nag-seatbelt ako. And, like, after ten minutes, along sa may Parañaque, we hit the gas truck," kuwento niya.
Lima silang magkakaibigan na nakasakay sa kotse nang mangyari ang aksidente at sa kasamaang-palad ay nasawi ang isa nilang kaibigan.
"He was my best friend, he was my neighbor and we grew up together. I used to always play basketball with him," pagbabalik-tanaw ng aktor.
Sobrang traumatic and life-changing daw ang experience na 'yun for him. Dumating pa raw sa puntong sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kaibigan.
"Medyo sinisi ko rin 'yung sarili ko kasi, 'What if I didn't sleep? What if sinamahan ko 'yung driver?' Puwede niyang maiwasan 'yung truck kung mas naging aware ako, kung mas naging wise ako in that situation," he said.
Aminado rin ang aktor na marami siyang natutunan at na-realize pagkatapos ng aksidente.
"Marami akong realization noong na-bedridden ako. Parang na-realize ko 'yung importance of life. Mas minahal ko 'yung sarili ko, mas minahal ko 'yung friends ko and family, because you never know... like, life is just lent to us."
Weird man daw sabihin, pero pakiramdam ng aktor ay tila isang anghel ang gumising sa kanya na naging dahilan nga upang magsuot siya ng seatbelt.
"Parang mayroon akong nakita that time, na parang light, na parang 'Hey, David. Wake up, wear your seat belt,'" aniya.
"God is amazing, so, I'm just so happy. Nu'ng time na 'yun, mas naging thankful lang ako, mas pinasalamatan ko si God kasi kung hindi dahil sa Kanya, baka wala na ako ngayon, eh.
"I also thanked Him, na parang meron pa akong purpose at maybe, kaya hindi pa ako kinuha ni Lord is because I still have a purpose pa in life," pahayag pa ng aktor.





Comments