top of page
Search
  • BULGAR

Na-trauma… ANGELICA, 'DI PINAGTEYPING DAHIL SA KATABAAN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 17, 2022



Nag-reunite ang dating dalawang child stars na sina Camille Prats at Angelica Panganiban.


Guess ni Camille si Angelica sa YouTube channel nito na ang ginawa nila ay pagluluto.


Na-recall ng dalawang aktres na nu'ng younger days nila, habang lumalaki raw sila ay nadaragdagan ang kanilang timbang.


During their teen-age years, nagkaroon sila ng stigma. Anila, lagi raw silang ipinatatawag kapag nadaragdagan ang kanilang timbang when they were working on the youth-oriented show na G-Mik.


“Struggle namin ito growing up, laging binabantayan 'yung katawan namin. Feeling ko na 'yun 'yung mga things in our past na ngayon, kapag binabalikan ko, parang grabe rin. Iba rin pala talaga 'yung mga bagay na inire-require ng industriya,” sabi ni Camille.


Kuwento naman ni Angge, may instance na pinadalhan siya ng letter na magpahinga muna nang mag-gain siya ng timbang.


“Sis, hindi nila ako pinag-taping. May isang taping, hindi nila ako ipinatawag. Parang ‘Magpahinga muna siya ngayon’ para raw matauhan ako sa katawan ko,” alaala ni Angge.


Dahil doon ay na-trauma si Angge, eh, nasa 15 o 16 years old lang daw sila noon.


“Medyo masakit 'yun growing up. Alam mo, may trauma siya hanggang ngayon. Kapag may check-up ako dahil buntis ako, sasabihin ‘Oh, nagge-gain ka ng weight, hindi okay,’ nasasaktan ako, Sis,” dagdag pa ng malapit nang maging celebrity mom.


Tumatak daw kay Angge na kapag nasasabihan siyang lumalaki ay pinepersonal niya.


"Tumatak siya sa akin, naging stigma na parang may mali kapag hindi mo napi-please 'yung mga tao, which is mali. Or kapag 'yung hitsura mo, hindi pasado sa kanila. Masakit 'yun, ah,” sambit pa ni Angge.


Kuwento naman ni Camille, one time ay nag-breakdown siya.


“During our time, it was really a big deal. Ako na-realize ko rin 'yun. Parang there was a time na nagkukuwento lang ako, nag-breakdown ako. Na-realize ko na issue pala siya sa akin.


Hindi ko nare-realize na all this time pala, struggle ko pala siya. Hindi ko makain lahat ng gusto ko kasi tataba ka."


Mabuti na lang daw ngayon ay nagbago na ang perspective ng mga tao about weight gain through the years.


“Buti nga, wala nang ganu'n ngayon, love your own. Dapat dati pa. May mali ba kapag mataba ang isang tao?” ang pagtatanong ni Angge.


Ngayon, bashers na ang pumupuna kapag nadaragdagan ng timbang ang mga artista.


Ang tawag sa kanila… body shamer!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page