top of page

Na-resched na biyahe abroad ni VP Sara, aprub sa M'cañang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 55 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 3, 2026



Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte - FB



Kinumpirma kahapon ng Office of the President na inaprubahan nitong muli ang na-reschedule na biyahe ni Vice President Sara Duterte sa labas ng bansa, na nagsimula kahapon at tatagal hanggang Mayo 15.


"Confirmed," tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa Palace reporters nang tanungin kung naaprubahan na ito ng OP.


Sinabi naman ng OVP na wala pa itong kumpirmasyon kung lilipad palabas ng bansa si Duterte kahapon nang hingan ng komento tungkol sa plano sa pagbiyahe ng Bise Presidente.


Una nang isinumite ni Duterte sa OP ang kanyang kahilingan para sa pagbiyahe na nakatakda mula Abril 23 hanggang Mayo 15.


Bagama’t naaprubahan na, sinabi ni Duterte na "last-minute" na ang pag-apruba ng Palasyo sa kanyang overseas trips at nakapagsumite na siya ng panibagong request dahil sa pagbabago ng kanyang mga plano.


Nauna rito, itinanggi ng Palasyo na naaprubahan sa huling sandali ang travel authority ni Duterte, at sinabing karaniwang ibinibigay ang ganitong mga pahintulot isang araw bago ang nakatakdang paglipad ng Pangalawang Pangulo. 


Sa Mayo 4 nakatakdang magbalik-sesyon ang Kongreso, kung saan isusumite na ang report ng House Committee on Justice tungkol sa isinagawang impeachment proceedings laban kay VP Sara. 


Inaasahang pagbobotohan na rin ito sa plenaryo kung isusumite na sa Senado para sa paglilitis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page