top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Na-on the spot, game na game… JHOANNA, NAGING INSTANT WEATHER FORECASTER SA SHOW SA US

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 27, 2026



FRANKLY - JHOANNA, NAGING INSTANT WEATHER FORECASTER SA SHOW SA US-FB Bini_ph & Blooms Philippines

Photo: FB Bini_ph & Blooms Philippines



Muli ay naipakita ni BINI Jhoanna Robles ang kanyang passion sa broadcasting nang sumalang siya sa morning show ng Fox 11 na Good Day L.A (GDLA) sa United States (US) para magbalita ng lagay ng panahon.


Nag-guest ang Nation’s Girl Group sa naturang morning show na kaagad nag-viral sa social media.


Sa nasabing programa ay in-interview ng hosts ang BINI tungkol sa kanilang Coachella debut, gayundin ang experience nila sa Southern California, ang kanilang EP na Signals at ang upcoming world tour nila.


After the interview ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari nang biglang tawagin ng Filipino-American resident meteorologist na si Maria Quiban sa stage si BINI Jhoanna.

“I like to fulfill people’s bucket lists. I think one of them wants to do a little bit of weather (forecasting),” sabi ni Maria at saka tinawag ang leader ng grupo.


Makikita ring tinuturuan ni Maria si Jhoanna kung paano ang gagawin at tanong niya, “So, do you wanna do the forecast today?”


Nahihiya namang sagot ni Jhoanna, “How do I start it?” at natawa si Maria pati na ang mga nasa studio.


Kasunod nito ay ginawa na nga ng singer ang impromptu weather forecast at bumilib naman sa kanya si Maria.

“She’s a natural talaga,” sey niya.


Proud na proud naman ang Blooms (BINI fandom) kay Jhoanna at ini-repost nila ang video dahilan para mag-viral ito agad.


Maging si Jhoanna ay ini-repost din ito sa kanyang X (dating Twitter) account at caption niya, “Hahahaha! NAKAKAHIYA.”


Matatandaang first love ni BINI Jhoanna ang pagiging mamamahayag at, in fact, naging Star Patroller pa siya sa TV Patrol noong 2024.





UNTI-UNTI nang nakaka-recover si Sandro Muhlach matapos ang traumatic experience noong 2024 na naging dahilan ng pagsasampa niya ng kaso laban sa dalawang dating independent contractors ng GMA-7 na diumano’y nangmolestiya sa kanya.


Sa latest interview with ABS-CBN, nagbigay ng update ang anak ni Niño Muhlach sa kanyang healing journey matapos maging biktima ng pang-aabuso.


“I’m better than I was before kasi I think parang ‘yun nga, I have my freedom na and I can go wherever I want. Pero the case kasi is still ongoing,” pagbabahagi ni Sandro.

“So, I’m still waiting kasi dire-diretso pa rin naman ‘yung hearing namin. Pero ngayon, getting better,” dagdag niya.


Natapos na rin daw niya ang kanyang therapy na aniya ay napakalaki ng naitulong sa kanyang recovery.


“Na-reach ko na ‘yung required meeting namin ng therapist ko. Okay na kami. Nakatulong nang malaki sa akin kasi it made me realize na ‘di lang hanggang du’n ‘yung buhay ko. Marami pa akong pupuntahan at my age,” aniya.


“Ipina-realize sa akin na kasama ko ‘yung family ko lagi. Nand’yan ‘yung dad ko para suportahan ako. So ‘yun, buong family ko, nand’yan sa likod ko, supporting me,” sey pa niya.


Bagama’t hindi pa raw masasabing fully healed na siya, alam niyang darating din siya roon.


“I don’t say na fully, but more aware sa mga tao na nakasama ko.


“Pero s’yempre, gusto kong lagpasan lahat ‘yun. Gusto ko na magawa ko, gusto ko mabalik ‘yung dating Sandro na kayang gawin lahat,” anang binata.


Na-excite rin ang aktor sa kanyang pagrampa kamakailan sa isang fashion event para sa isang local clothing and underwear brand.


“Actually, out of nowhere ‘yung pag-audition ko. Kakatapos lang ng contract ko, nag-audition ako. Then, ‘yun, biglang nakuha. So thankful for Bench, nakuha ‘ko.

“Then, nanood ‘yung dad ko so na-excite ako kasi nakita n’ya ako sa first runway ko,” sey niya.


Sa ngayon ay unti-unti na ring bumabalik si Sandro sa kanyang showbiz career at sey niya sa future plans niya, “Gumawa ng projects with different agencies kasi I think ‘di naging maganda ‘yung takbo nu’ng mga previous years ko.”


Dagdag pa niya, “Pero ngayon, gusto ko pagandahin at gawing better ‘yung takbo ng projection ng career ko.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page