Na-guilty kaya nagpaalam sa exec… JUDAY, GAGAWA NG SERYE SA LABAS NG ABS-CBN
ni Nitz Miralles @Bida | March 26, 2023

Gagawa pala ng serye sa labas ng ABS-CBN si Judy Ann Santos. Kahit wala na siyang kontrata sa ABS-CBN, tumawag pa rin siya kay Cory Vidanes para magpaalam.
Ang Reality Films kasi ang producer ng gagawin niyang serye at sa ginawang ito ng aktres, pinuri siya ng mga netizens.
"It’s not under ABS-CBN. It’s under Reality Films. At the same time, wala akong contract with ABS-CBN as of now. But then again, I called up Tita Cory para ipaalam sa kanya at magsabi lang na I’m gonna make a series outside ABS-CBN," pahayag ni Judy Ann sa isang interview.
Dagdag pa nito, nagpaalam siya nang maayos.
"Parang alam mo 'yung pakiramdam na wala man akong existing contract with ABS, 'yung pakiramdam ko lang na parang namemendeho ako ng asawa. Kasi all my life, I’ve been, all my teleseryes with ABS-CBN. So, eto 'yung first time na gagawa ako ng hindi under sa kanila, so parang feeling ko lang, medyo nagi-guilty ako. So, kailangan kong sabihin," ayon pa kay Judy Ann.
Wala pang ibinigay na detalye si Judy Ann kung ano'ng serye ang gagawin niya sa Reality Films, kung sino ang director at kung sino ang mga makakasama niya.





Comments