top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Na-depressed sa sama ng loob noon… DIEGO, GAME NANG PATAWARIN SI CESAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2021
1 min read

Updated: Jul 17, 2021

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 16, 2021



Nasaan na kaya ngayon ang action star na si Cesar Montano? Ano na ang kanyang pinagkakaabalahan? Kumusta na kaya ang kanyang love life ngayon?


Ito ang tanong ng mga netizens na nakaalala kay Cesar. May mensahe kasi si Diego Loyzaga na gusto niyang makita/makausap ang kanyang ama upang maayos na nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan.


Handa na si Diego Loyzaga na makaharap ang kanyang amang si Cesar upang sila ay magkapatawaran.


Matatandaang malaki ang naging tampo ni Diego kay Cesar kaya na-depressed siya at pansamantalang nagpahinga sa showbiz.


Ngayon ay maayos na ang health condition ni Diego at nakabalik na sa showbiz. At open siya sa pagsasabing na-miss niya ang kanyang biological dad na si Cesar Montano. Hindi niya basta matatalikuran ang kanilang ugnayan sa isa't isa.


Tiyak na makakarating naman kay Cesar ang panawagan ng anak niyang si Diego. At siguradong maraming press people ang mag-aabang sa reunion nilang mag-ama. At puwedeng maging daan din ito upang balikan ni Cesar ang kanyang showbiz career.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page