top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Na-bully na wrestler sa socmed nag-suicide, haters, makukulong

BULGAR
Jul 9, 2022
1 min read

ni MC - @Sports | July 9, 2022




Aabot ng hanggang 1 taon at may karagdagang mabibigat na multa ang ipapataw sa mga nang-iinsulto online at iyan ay epektibo na mula kahapon sa Japan mula sa pinalakas na batas laban sa cyberbullying sa naturang bansa.


Ayon sa revised Penal Code, itinaas din ang multa ng mga nang-iinsulto sa 300,000 yen ($2,200), at pinalawig din hanggang 30 araw ang pagkakakulong at may multang 10,000 yen. Pinalawig din ang parusang kulong sa klase ng pang-iinsulto sa 1 hanggang 3 taon.

Ang pang-amyenda ng batas ay mula nang mabiktima ng cyberbullying si Hana Kimura, isang 22-anyos na professional wrestler at cast member ng sikat na Netflix reality show "Terrace House," na pinaniniwalaang nag-suicide noong Mayo 2020 dahil sa patung-patong na natanggap na 'hateful messages' sa kanyang social media account.


Dalawang lalaki sa Osaka at Fukui prefectures ang pinagmulta ng 9,000 yen bawat isang insulto na ipinost hinggil sa TV personality bago nagpakamatay si Kimura. Pero sabi ng ilan, magaan daw ang penalties kaya naman pinalawig ang pagbabago sa batas.


Inirekomenda ni Justice Ministry Legislative Council kay Justice Minister Yoshihisa Furukawa noong October na pabigatin pa ang penalties.


Ipinasa ang bill sa upper house plenary session noong Hunyo 13 matapos na magkasundo ang Liberal Democratic Party at CDPJ at iba pang supplementary provision, na sasalang pa sa pagrebisa ng 3 taon matapos ipatupad upang madetermina kung ano ang ipagbabawal pa sa free speech.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page