top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Na-bully, depressed… ANAK NI PACQUIAO NA SI MICHAEL, NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 13, 2023



NIsang taon na palang nakahiwalay ang second child nina dating Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Michael at solo na itong naninirahan sa isa sa mga condo unit na pag-aari ng kanyang mga magulang.


Napanood namin ang latest interview kay Michael ni Julius Babao para sa kanyang Julius Babao Unplugged vlog sa YouTube.


Dito ay ipinakita ni Michael ang loob ng kanyang condo unit na bagama't simple lang ay elegante pa rin.


Ipinakita rin niya ang collection niya ng kanyang sneakers and rubber shoes na siyempre pa, 'wag na nating itanong kung gaano kamahal.


Basta ang sabi ni Michael, hindi naman daw siya mahilig mag-shopping o bumili ng mga luho na hindi niya kailangan. Ipinauubaya na siguro niya 'yun sa kanyang Mommy Jinkee, hehe!


Bilib kami sa pagiging simple ng pangalawang anak nina ex-Sen. Manny at Jinkee dahil aniya, ang nakakapagpaligaya sa kanya ay ang pagko-compose ng mga kanta.



Kaya nga raw pinili niyang mag-solo para hindi makaistorbo sa panganay na kapatid na si Jimuel. Nu'ng nasa Forbes Park pa raw kasi siya nakatira, magkatabi lang sila ng kuwarto at 'pag nagre-record siya ng mga kanta ay naiingayan ito.


May basbas naman ng kanyang parents ang pagso-solo ni Michael. At nakakatuwang sa edad niya ngayong 21, hindi na pala siya humihingi ng sustento sa kanyang mommy at daddy.


It seems maprinsipyong tao si Michael at gusto niyang makilala sa music scene bilang siya at hindi bilang 'anak lang' ni Manny Pacquiao.


Sa isang part nga ng interview ni Julius kay Michael, dito naikuwento ng binata ang mga pros and cons ng pagiging anak ng Pambansang Kamao.



Inamin ni Michael na nu'ng 16 yrs. old siya, dumaan din siya sa depression dahil nabu-bully siya sa school nila sa GenSan.


May mga nagsasabi raw na maarte siya dahil inglesero na. Feeling daw ng iba, nagbago na siya dahil nagkapera lang ang kanilang pamilya.


At sa panahon nga ng kanyang pag-iisa sa loob ng kanyang kuwarto, naisipan daw one time ni Michael na magpakamatay gamit ang cable ng kanyang charger.


Good thing na nahimasmasan pa rin siya dahil naisip daw niya ang sasabihin at mararamdaman ng kanyang parents.


Ipinagtapat niya ito sa kanyang mga magulang at kinausap daw siya nang masinsinan ni Manny.


Mula nu'n, naging okay na si Michael at naka-focus na sa kanyang music career.


Ang advice niya sa mga kabataang tulad niya na dumaraan sa depression, "Don’t do that.


You're not alone. You can talk to someone about what you feel. Don’t let feelings determine your choice of action. It's just a feeling kasi mawawala rin naman 'yung feeling, temporary lang."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page