top of page
Search
  • BULGAR

Na-boo ng mga kapwa direktor… RESBAK NI DIREK DARRYL: ANG PAPLASTIK N'YO! INGGIT LANG KAYO!

ni Nitz Miralles - @Bida | August 16, 2022



Curious kami kung ano'ng pelikula ang ipinrodyus ni Director Darryl Yap sa Cinemalaya na nang mabasa raw ang pangalan niya sa credits, nag-boo ang ilang filmmakers na obviously, nanood ng movie.


May post kasi si Direk Darryl na “Yes, I produced a Cinemalaya film. I can’t publicly promote it because I have #MaidInMalacañang. Sabi sa akin, nu'ng lumabas daw ang name ko, nag-“boo” raw ang mga filmmakers na nasa bulwagan.


"Ano raw ang reaction ko... Ito po: NOSI BALASI.”


May follow-up post si Direk Darryl tungkol sa isyung ito at wala siyang binanggit na pangalan ng director, pero palaban ang kanyang hirit.


“'Tong mga magagaling magsiputak na enabler at pera-pera lang ang Viva - ayun, pitch nang pitch ng project, may mga lalabas pa sa VIVAMAX.


"Ampaplastik n'yo, ginagawa n'yong ABS-CBN ang bakuran na ito; puro kayo kunwaring malinis at magagaling - mga inggitero’t inggiterang panggap.”


Sa isa pang post, binanggit na mga pinklawan directors ang gagawa sa Viva at sabi pa, “Pa'no 'yan? Kahit paano - may parte sa pondo ng mga SAKDAL-LINIS AT SAKDAL-GANDANG pelikula n'yo ang pelikula ko? Katas ng Maid in Malacañang ang ipanggagawa n'yo? KAYA N'YO BA SIKMURAIN? Ampaplastic n'yo.”


Wala pa namang sumagot kay Direk Darryl.


Comment ng isang netizen, bumalik na sa mga sinehan ang mga moviegoers, sana ay magkaisa na lang ang buong industriya. Itigil na raw ang away, parinigan at pagka-cancel. Magtulung-tulong na lang para tuluy-tuloy ang sigla ng showbiz at suportahan ang mga susunod pang local films na ipalalabas sa mga sinehan.


Anyway, ang latest update ng Viva Films sa box office gross ng Maid in Malacañang ay P250 million. Hindi pa kasali ang Saturday at Sunday gross at gross sa screening sa ibang bansa.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page