top of page
Search
  • BULGAR

Na-blind item, Kylie… AJ, TODO-PAKITA NG TIYAN, 'DI RAW BUNTIS KAY ALJUR

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 22, 2022



Si AJ Raval nga ba ang tinutukoy sa blind item na lumabas kamakailan hinggil sa buntis isyu?


May lumabas sa Twitter na ganitong isyu, "Teka lang, true na najontis itey sexy starlet na ang talak ay mag-study kaya stop muna sa showbiz? Haru josko, ang pudra ba ay ang aktor na hiniwalayan ng junakis ng No. 1 sa balota???"


May post naman si AJ ng kanyang photo kung saan nakataas ang kanyang right hand at kita ang kanyang abs sa suot na maikling blouse.


Sinadya raw ni AJ na ipakita ang abs nang sa ganu'n, masagot na ang tanong sa blind item.


Komento ng mga netizens, "May ganyan naman talaga ka-flat na tummy 'pag 3 months pa lang na preggy. Lumalaki na lang sa ika-4th month. 'Di naman lahat ng women, malaki agad tummy sa 1st month."


"Same 6 months na tiyan ko, kaya ko pa mag-pants sa 1st baby ko. Pero 'di ako naniniwala na buntis si AJ"


"Minsan, nakikisama rin, eh. 'Pag itinatago, maliit, 'pag nabulgar na, saka biglang laki."


Ayon naman sa commenter na ito, "Parang out of the blue naman kasi. Kaliwa't kanan ang movies. She was just at her peak of her career, tapos sasabihin she will go study. She's not the type of girl who studies. Ano naman ang aaralin n'ya? Parang wala namang babagay sa utak n'ya."


May nagtanong naman na "Kaya ba binitawan ni AJ ang Scorpio Nights dahil preggy siya?"


Siguradong magbibigay ng pahayag si AJ hinggil sa isyung kinasasangkutan, wait lang tayo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page