top of page

Na-bash, magko-control na raw next time… SHUVEE, TODO-SORRY SA DONBELLE FANS SA SOBRANG KILIG KAY DONNY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 28, 2026



Shuvee Etrata - Instagram

Photo: Shuvee Etrata - Instagram



Nag-sorry si Shuvee Etrata sa DonBelle fans (Donny Pangilinan at Belle Mariano) matapos umani ng iba't ibang reaksiyon online ang kanyang pagkakilig kay Donny Pangilinan. 


Nilinaw niya na ang kanyang pag-uugali ay isa lamang fangirl moment at si Donny ay crush lamang niya.


Binigyang-diin ng Kapuso actress na walang ibang ibig sabihin ang naging pahayag niya ng paghanga sa tagumpay ni Donny. 


Natatawa ang ilang mga netizens sa kanyang fangirl moment, samantalang ang iba naman ay pinuna ang kanyang mga komento, dahilan para linawin niya ang direktang pakikipag-usap sa mga tagasuporta ng DonBelle.


Pahayag ni Shuvee, “Sa lahat po ng DonBelle fans, gusto ko pong mag-sorry if I reacted that way. Pasensiya na kung lagi akong nagpa-fangirl kay Donny. I will do my best para pigilan ang mga nararamdaman natin next time. 


“Wala pong chance na magka-level po kami ni Donny. Kasi si Donny po ay isa na pong kumikinang na bituin.”


Ano naman kaya ang next sey ng mga fans ng DonBelle?



HINDI lang pala singing ang pinagkakaabalahan ni Angeline Quinto nitong mga nakaraang taon. Kahit busy sa kanyang singing schedules, nagkaroon pa rin ang aktres-singer ng pagkakataong tapusin ang kanyang pag-aaral. 


Katunayan, malapit nang makapagtapos si Angge para sa kanyang college diploma. Ang pagtatapos niya ay alay niya sa kanyang Mama Bob (RIP).


Masayang ibinalita ni Angeline na magtatapos na siya sa kolehiyo ngayong June 2026 ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management mula sa Immaculada Concepcion College. 


Ayon sa singer, sinadya niyang isikreto sa pamilya ang pagbabalik sa pag-aaral para sorpresahin ang mga ito.


“‘Di alam ng family ko and asawa ko na bumalik ako sa kolehiyo. Ang pagtupad ng pangarap, walang pinipiling edad,” ani Angge. 


Sey pa niya, “Kahit wala na si Mama Bob, itinuloy ko pa rin ang pangarap.”

Kinarir daw talaga niya ang hirap at sakripisyo na pagsabay-sabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho, pagiging wifey at mommy, at pagbubuntis sa second baby niya para lamang matupad ang pangarap niyang makapagtapos. 


Kuwento niya, “Nu’ng time na nagbubuntis ako sa pangalawang baby namin, iba-iba ang moods. Noong time na ginagawa namin ang What’s Wrong With Secretary Kim, kasabay nu’n ang pagsasagot ko ng mga modules. 


“May time na bumagsak ako, nagmamakaawa ako sa profs (professors) ko para pabalikin ako sa school. Salamat sa professors ko. Ang dami kong pinagsabay-sabay noong panahon na ‘yun. Ipinagdasal ko na, ‘Lord, matapos ko lang ‘to, pangarap ‘to ng Mama Bob sa akin.’”


Sa ngayon, excited na si Angeline Quinto na matanggap at mahawakan ang kanyang diploma at maipaskil ito sa dingding ng kanilang sala para maipagmalaking degree holder na rin siya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page