top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Na-bash dahil sa joke kay Ryzza… KIM, HUMIRIT NA GOOD VIBES LANG TAYO PERO ‘DI NAG-SORRY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 29
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 29, 2026



Rhyzza Mae at Kim Chiu - Instagram

Photo: Ryzza Mae at Kim Chiu - Instagram



Inisip ng mga nakabasa sa post ni Kim Chiu na, “GV, GV LANG po tayo!!!” na reaksiyon niya ito sa iniisyu sa kanila ni Ryzza Mae Dizon. 


Ang ibig kasing sabihin ng GV ay ‘good vibes’ at sana nga, pagbigyan si Kim at itigil na ang pamba-bash sa kanya at ang isyu.


Nakaganda at nakatulong sa isyu na hindi na siya nagsalita o nagpaliwanag dahil siguradong lalaki lang ito. Malaking tulong din na hindi rin nagsalita si Ryzza at hinayaan na lang ang mga netizens na mag-ingay.


Sabagay, marami naman ang nagdepensa sa kanya at pati na rin kay Kim. It was a joke at hindi si Ryzza ang talagang tinukoy ni Kim, kaya lang, hindi napigil ang mga netizens sa pagre-react. Lumaki ang isyu dahil sa pag-aaway-away ng mga netizens na wala namang kinalaman.


May nagsabing makakatulong si Kris Aquino na tuluyang patayin ang isyu kina Kim at Ryzza. Pagkitain daw ni Kris ang dalawa para personal na magkakilala at makapag-sorry si Kim kung may dapat man siyang ihingi ng sorry.


Very close si Kim kay Kris at panganay nga ang turing nito sa kanya. Nagiging close naman si Kris kay Ryzza dahil sa anak na si Bimby Aquino, kaya hindi tatanggi ang dalawa kung gugustuhin ni Kris na sila ay pagtagpuin.


Sana raw, sa susunod na magde-date sina Bimby at Ryzza, kasama pa rin si Kris and isama na rin si Kim. 


Siguro naman, hindi tatanggi sina Kim at Ryzza sakaling i-request ni Kris na sila’y magkita, para na rin matigil ang bangayan ng mga fans nila at ng It’s Showtime (IS) at Eat… Bulaga! (EB!).


Although, nakakaaliw basahin ang puksaan ng dalawang kampo at kung saan-saan napupunta ang usapan.



Kasama ang bagong dyowa… LJ REYES, INILABAS ANG MGA ANAK KINA PAULO AT PAOLO


ANG laki na ng mga anak ni LJ Reyes at nakita ng mga netizens sina Aki at Summer sa photo post na magkasama ang mag-iina at hubby ni LJ sa opening ng cookie business ng dating aktres sa place nila sa New York.


Tinawag na The Village Cookie ang cookie shop ni LJ at may photo nga na kasama niya ang mga anak na sina Aki at Summer. 


Si Aki ay anak ni LJ kay Paulo Avelino at si Summer ay kay Paolo Contis naman.

Ang tangkad ni Aki, mas matangkad na siya kay LJ at halos kasingtangkad ng husband nito. Makikitang pinaghalong LJ at Paulo ang mukha nito at hindi maiwasang mag-comment ang mga netizens na pogi ang panganay ni LJ at fit ang katawan.


Si Aki, nabibisita ni Paulo kapag nasa Amerika siya, pero si Summer, hindi na nakita ni Paolo mula nang umalis sila ng Pilipinas ng ina. Kapag nakita ni Paolo ang photo ng anak, magugulat siya dahil malaki na ang bunso niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page