My Boy Lollipop umangkin ng panalo
- BULGAR
- Jan 3, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 3, 2022
Nagpakitang-gilas si My Boy Lollipop matapos angkinin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System noong Sabado sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Inirehistro ni My Boy Lillipop ang huling kabayong nagtala ng panalo sa karerahan para sa taong 2022. Ginabayan ni jockey John Alvin Guce, inirehistro ni My Boy Lollipop ang tiyempong 1:26.4 sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P10,000 para sa winning horse owner.
Dumating na segundo sa meta si Pendant, tersero si Christiano habang pang-apat si Silver Glow na ginabayan ni Jomer Estorque. May 10 races ang nilarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya masaya ang karerista sa huling araw ng karera sa 2022.
Ang nasabing mga karera ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, nagwagi si Lucky Hilda sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa pang-pitong karera. Nakapagtala si Lucky Hilda ng 1:26.4 sa 1,400 meter race upang sungkitin ng may-ari ang karagdagang premyo na P10,000.
Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, naging masaya ang pangangarera nila sa huling araw ng karera, bagama't may natalo ay nanatili ang ngiti sa kanilang mukha.





Comments