My Boy Lollipop, bida sa Metro Turf
ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 10, 2022
Hindi pinaporma ng dehadong My Boy Lollipop ang mga nakatunggali matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo.
Ginabayan ni jockey John Alvin Guce, pinaarangkada nito si My Boy Lollipop sa largahan upang hawakan agad ang dalawang kabayong bentahe.
Papalapit ng home turn ay kumakapit kay My Boy Lollipop si Bahandi pero nanatili ang tikas ng winning horse sa rektahan at nanalo ito ng may apat na kabayong lamang.
Inilista ni My Boy Lollipop ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P10,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Dumating na segundo si Special Officer, tersero si Super Master habang pumang-apat si Eyeshot.
Hinangaan din ng mga karerista si Cool Mom na nagwagi sa isa pang PHILRACOM-RBHS na pinakawalan sa pang-walong karera,
Sinakyan ni veteran rider Jeffrey Bacaycay, inilista ni Cool Mom ang oras na 1:27 minuto sa 1,400 meter race upang makopo ang karagdagang P10,000 premyo.
Pangalawang tumawid sa finish line si Antique Collector habang pangatlo si Boni Avenue.
Samantala, masaya ang paglilibang ng mga karerista matapos maglarga ng 10 races ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI)





Comments