My Boy Lollipop at El Mundo sa Pista
- BULGAR
- Mar 19, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 19, 2023
Magkikita sa pista sina My Boy Lollipop at El Mundo sa magaganap na National Women's Month Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
May distansyang 1,400 meter race, ang nasabing selebrasyon para sa mga kababaihan ay lalahukan ng walong dekalidad na kabayo kung saan ay rerendahan nina John Alvin Guce at EG Guerra sina my Boy Lollipop at El Mundo ayon sa pagkakasunod.
Paglalabanan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ang ibang kalahok ay sina Aly Yanna, Everyday Black, Illusion, Gugma, Shine at Mandatum.
Ayon sa komento ng mga karerista sa social media na pahirapan sa pagpili ng tatayaan na kabayo ang nasabing karera dahil mga mahuhusay ang mga kalahok. "Mahirap na karera ang tingin ko dyan, mas maganda multiple ang pili para malaki ang tsansang makapuntos sa winner take all (WTA)."
Nakalaan ang karagdagang premyo rin na P10,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, ikakasa rin ngayong Linggo ang 2023 PHILRACOM "Road To Triple Crown Stakes Race" na pakakawalan sa pangatlong karera.
Ikakasa ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ang siyam na races ngayong araw kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - My Boy Lollipop (4), El Mundo (2), Illusion/Gugma (5/5A)
Race 2 - May Ten (3), Magnolia Yana (4), Raxa Bago/Maaki Boy (6/6A)
Race 3 - Tell Bell (6)
Race 4 - Andromeda (4), Amelia (6), Columbus (10)
Race 5 - Central Bank (8), Lucky Hilda (9), Noh Sen Young Yana (5)
Race 6 - Easy Landing (6), Heavenly Star (1), Apollo (9)
Race 7 - Chase The Gold (7), Crown In My Head (12)
Race 8 - Early Bird (7), Sweet Spot (5)
Race 9 - Captain Det Det (12), Make Or Break (13), Jambo (3)





Comments