MVP ng TV5, nagsalita na… SHOW NG TVJ, SA TANGHALIAN, IT'S SHOWTIME, ILILIPAT!
ni Nitz Miralles @Bida | June 19, 2023

Pati sina Manny V. Pangilinan ng TV5 at Atty. Felipe Gozon ng GMA-7 ay nadadawit sa isyu ng dalawang noontime shows na Eat… Bulaga! at It’s Showtime.
Lumutang kasi ang balitang posibleng ilipat ng ABS-CBN ang It’s Showtime sa GTV na pagmamay-ari ng Kapuso Network dahil ang EB! nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang ilalagay sa noontime slot ng TV5.
May interview kay MVP tungkol dito at nabanggit niya na may mga pag-uusap pa.
“We are coordinating with ABS-CBN, I believe that TV5 is committed to TVJ for the noontime slot, so it’s either them or Showtime, unless ABS-CBN is willing to move to another timeslot which we are prepared to give to them, but it’s up to them not up to us.”
Naalala naming may balita dati na nag-offer ang GMA-7 na sa GTV na nila ilalagay ang EB! ng TVJ, kaya lang, na-late raw ang offer at nakipag-usap na ang tatlo sa TV5.
Habang tumatagal ay mas nagiging exciting ang isyung Eat… Bulaga! ng TVJ versus Eat… Bulaga! ng Jalosjos camp.





Comments