top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Muntinlupa ganado pero Generals babawi sa NBL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 11, 2023


Mga laro ngayong Biyernes – Cong. Jun Duenas Gym


5:00 p.m. Binan v. Kapampangan

7:00 p.m. Muntinlupa v. Taguig


Todo ganadong papasok ang bisitang Muntinlupa kontra sa Taguig Generals sa pagpapatuloy ng 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup ngayong Biyernes sa Cong. Jun Duenas Gym sa Signal Village simula 7 p.m. Hahanapin din ng Tatak GEL Binan at KBA Luid Kapampangan ang tagumpay na magpapasok sa kanila sa semifinals sa unang laro ng 5 p.m.


Inspirado ang Muntinlupa matapos ang 103-101 panalo sa Binan noong nakaraang Linggo salamat sa huling shoot ni John Mark Ondevilla upang manatiling buhay ang pag-asa sa semis. Tiyak na magiging mahirap na kalaro ang Generals na lumasap ng unang talo sa torneo sa kamay ng Cam Sur Express sa overtime noong parehong araw, 114-120 at gagawin ang lahat upang makabawi.


Maliban kay Ondevilla, kailangang gumana ang laro nina Crispin Barnedo at Tristan Kyle Villablanca habang maganda ang ipinakita ni Rensei Geralao sa kanyang unang pagsalang. Ang Taguig ang tanging koponan na gumagawa ng mahigit 100 puntos bawat laro at hindi nakakapagtaka na may lima silang manlalaro na nagtatala ng tig-10 o higit na puntos na sina Dan Anthony Natividad, Mike Jefferson Sampurna, Mark Edison Ordonez, Edzel Galoy at Fidel Castro.


Kalilimutan na ng Tatak GEL ang nangyari sa pagkabigo ng Muntinlupa sa gitna ng pinagsamang 33 puntos nina Alexander Villacorta at Danny Diocampo. Pangunahin para sa Binan ay paano pipigilan ang numero uno sa puntos ng NBL na si Lhancer Khan subalit marami siyang umuusbong na tulong mula kay Marc Jhasper Manalang at Mico Rainster Santos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page