top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Muntik sampalin… JANICE, NAKIPAG-FACE-TO-FACE SA DYOWA NG EX-HUSBAND

BULGAR
Jun 9, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | June 9, 2022



Juicy lagi ang kuwentuhan sa podcast nina Janice at Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Carmina Villarroel. Ang latest ay ang kuwento ni Janice sa experience niya nang makaharap ang karelasyon ng ex-husband niya noon.


Nagharap daw sila ng girl dahil ini-request ng management company nito at ng girl na rin mismo na makapag-usap sila at makapag-sorry ito sa kanya. Ang hiling lang ni Janice, dapat naroon ang head ng management company ng girl kapag sila’y nagharap at nag-usap.


“Eh, kayo pala ang may gusto. Pero ang gusto ko, dapat 'and’yan kayo sa kuwarto para 'pag sinabing sinampal ko s’ya, sinampal ko talaga s’ya. Ayoko ng gawa-gawa.”


Hindi naman sinaktan ni Janice ang girl na hindi niya pinangalanan, kaya ‘wag na rin nating pangalanan. Saka, matagal nang nangyari ‘yun, napag-usapan lang. Sinabi lang ni Janice sa girl ang puwedeng gawin sa kanya kapag ibang babae ang nasa katayuan ni Janice.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page