top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mula paggising hanggang pagtulog… KIM AT XIAN, 20 TIMES NAGBI-VIDEO CALL SA ISANG ARAW

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 24, 2022



After ng Valentine getaway nina Kim Chiu at Xian Lim ay magkahiwalay na ulit ang showbiz couple dahil sumabak na ang aktor sa locked-in shoot ng pelikula nila ni Ryza Cenon na Sa Muli.


Kaya naman sa Instagram page ni Xian ay parehong nagpahayag ang dalawa na nami-miss na nila ang isa’t isa na ikinakilig ng kanilang mga fans.


Nag-post si Xian ng sweet photo nila ni Kim habang nasa Balesin at sa comment section ay sumagot ang aktres ng “Awww!!!! Miss yew!!!”


Nag-reply naman si Xi ng “@chinitaprincess I miss you mooore.”


Super-kilig ang KimXi fans at komento nila, napaka-sweet daw talaga ng dalawa.


Sa recent vlog ni Kim na Our Valentines Date/Trip +Q&A ay naikuwento ng KimXi na sa isang araw ay napakaraming beses nilang magtawagan.


“Video call talaga kami nang super,” sey ni Kim.


“Mababa ang 20 (times). Yeah, umaabot ng 20 kasi pagkagising pa lang, ilan na ang tawag natin sa isa’t isa. Lunch, ‘Kumain ka na ba?’ dinner, tapos 'pag may ginagawa, ‘Sige, mamaya na lang after work,’ bago matulog. So, maya’t maya,” sabi ni Xian.


Kuwento pa ni Kim, paggising daw ni Xian, ang unang ginagawa nito ay tinatawagan na siya agad.


Well, hindi kami magtataka kung mapunta na talaga sa kasalan ang relasyon nina Kim at Xian.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page