top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

Mula noon hanggang ngayon, ‘di raw nagbago… UGALI NI MARIAN, IBINUKING NI DIREK

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 9, 2026



Marian Rivera sa pelikulang Remember - IG

Photo: Marian Rivera sa pelikulang Remember - IG




Hindi raw nagbago ang ugali ng Kapuso actress na si Marian Rivera sa kabila ng kanyang kasikatan at pagiging isa sa pinakamalalaking TV stars sa bansa.


Pinatotohanan ito ng direktor na si Antoinette Jadaone na nagbalik-tanaw sa kanilang karanasan sa paggawa ng mga teleseryeng Marimar at Dyesebel, kung saan nakita niya ang pagiging mapagbigay at mapagkumbaba ng aktres.


Kuwento ni Direk Antoinette, maging sa kasagsagan ng kasikatan ni Marian bilang Marimar ay hindi ito nagbago ng pakikitungo sa mga taong nakapaligid sa kanya. 


“Pinuntahan ko pa sa bahay, parang ganu’n… Ano talaga, ‘di napunta sa ulo n’ya ‘yung pagiging Marimar n’ya. Minsan nga, nakakalimutan n’ya na si Marian s’ya, parang biglang bibili sa gilid. Ay, ‘te, si ‘Marimar’ ka, ha?” kuwento ni Direk Jadaone.


Pero mas nakakatuwa ang ibinunyag niyang nakagawian ng aktres pagdating sa mga staff ng kanilang production.


Ayon pa kay Direk Antoinette, laging may nakahandang mga regalo sa likod ng kotse ni Marian para sa mga crew na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.


Sa kabila ng kasikatan at tagumpay, nanatiling maalalahanin ang misis ni Dingdong Dantes sa mga taong kasama niya sa trabaho, lalo na sa mga nasa likod ng kamera.

Sambit pa ng direktor, “‘Di s’ya nalasing sa kasikatan.”





Emosyonal lang…

IYA, TODO-DIIN NA ‘DI SIYA BUNTIS



Nagbakasyon sa isang beach resort si Iya Villania kasama ang mga anak nila ni Drew Arellano, na kasalukuyang nasa New York para sa isang marathon competition.


Hindi man buntis, naging emosyonal si Iya habang pinagmamasdan ang limang anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro at Anya na masasayang naglalaro sa tabing-dagat na nagpapaalala sa kanya ng sarili niyang kabataan.


Sa Instagram (IG), ishinare ni Iya ang kanilang weekend beach trip. Ang madamdaming caption niya ay tagos sa puso ng maraming magulang.


Aniya, “I want to keep every memory of these moments alive. Motherhood can be painful knowing these moments are fleeting. I don’t want them to grow up so fast and yet I can only hope and pray to still be around when they’re much older.”


Sa kanyang mensahe, alam niyang mangungulila na siya kapag lumaki na ang mga ito. Dahil sa pagiging emosyonal ni Iya, agad niyang nilinaw sa kanyang mga followers na wala itong kinalaman sa pagbubuntis.


“And no, I’m not pregnant,” pabirong disclaimer niya bago sinabing mahal na mahal lang niya ang kanyang mga anak at araw-araw siyang nagpapasalamat na pagkagising pa lamang ay agad niyang nakikita ang mga mukha ng mga ito.


Well, hindi naman ito pinalampas ng kanyang mister na si Drew at pabirong nagkomento ng “Hanep sa disclaimer, ah! Hahaha!”

Sagot naman ni Iya, “Inunahan ko lang (laughing emoji).”





VICE, IBANG-IBA SA HARAP AT LIKOD NG CAMERA



HINDI man nawawalan ng mga bashers si Vice Ganda, marami pa ring netizens ang humahanga sa kanyang pagiging mabuting tao, pagiging humble at sa inspirasyong naibibigay niya sa maraming kabataan, lalo na sa mga taong patuloy na lumalaban upang maabot ang kanilang mga pangarap.


Post ng isang netizen sa Threads (@), “Naalala ko one time, nakita ko si Meme @praybeytbenjamin sa Yes Please (bar sa Uptown) after ng concert ni Mariah Carey last year ng October. Ka-table n’ya sina Esnyr, Mika (Salamanca) and some of the people I know so pumunta ko to say ‘Hi!’. First time kong nakausap si Meme and I thanked her for inspiring the young me to achieve my goals despite my gender identity because it's possible. ‘Yun lang, SKL (share ko lang)! Hahaha! Love you, Meme.”

Komento ng ibang netizens sa post:


“Meme is such an icon talaga. May masasabi talaga ang ibang tao to her pero iba influence n’ya talaga to everyone.”


“Super-humble n’yan and ang talino n’ya ‘pag nag-guest s’ya as speaker. One time na invited s’ya sa isang online shopping platform since s’ya ang ambassador ng company, grabe, iba talaga ang aura n’ya and very humble. May sense lahat ng sasabihin. Well minsan, iba sa Showtime pero naayos naman n’ya ‘yun.”


Sabi nga ng iba, kung makikilalang mabuti ng mga bashers ang tunay na personalidad ng Unkabogable Phenomenal Superstar, tiyak na wala silang maisusulat na negatibo.


Sey pa ng isang netizen, “Sa totoo lang, si Meme Vice ay napaka-softhearted na tao.” 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page