Kadiri raw at mala-Barbie pero factory defect… AWRA, NADE-DEPRESS SA MGA PANLALAIT SA KANYA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 9, 2026

Photo: Awra Briguela - IG
Hindi na maitago ng socmed (social media) personality at dating child star na si Awra Briguela ang kanyang pagod at sama ng loob sa walang katapusang pambabatikos at pangungutya sa kanya online, lalo na sa paraan ng kanyang pananamit, pagpapahayag ng sarili at pamumuhay nang malaya.
Hindi pa rin siya tinatantanan ng mga bashers, lalo na ng mga kalalakihang kinukutya ang kanyang pagiging babaeng-babae ngayon.
Ani Awra, “I don’t think people understand how mentally and emotionally exhausting it is to be in my position sometimes. Imagine, waking up every day, trying to live your life, minding your own business, expressing yourself, and doing things that make you happy, only to find out that people have once again found another reason to make fun of you, criticize you, and turn you into a topic of hate.
“It’s honestly so depressing. And as much as I try to convince myself na sanay na ako, the truth is, I'm not. And I don’t think I’ll ever get used to it.
“I just can’t accept the fact that everything I do has to become such a big deal. When I dress up, when I post pictures, when I express my femininity, when I feel beautiful, or even when I’m literally doing NOTHING wrong, somehow people will always find something negative to say about me.
“Like, what exactly do you want me to do? Stop living my life? Stop being confident? Stop expressing myself just because my existence makes some people uncomfortable?”
Ito kasi ang ilang komentong natatanggap niya kapag may post siya sa socmed:
“Kadiri ang p*ta. Hahaha!”
“With your little eggs, PARE!”
“Factory defect yata na Barbie ‘yan, ah!”
“Huge muscles and betl*gs.”
“Parang bagong laya sa preso. Hahaha!”
Well, buhay ni Awra ‘yan at karapatan niyang maging kung sino siya. Huwag nang masyadong maging pakialamera.
‘Di ba naman, madlang people? Pak, ganern!
HAYAGANG tinanggihan at binalaan ng aktres na si Claudine Barretto sa pamamagitan ng isang social media post ang isang hindi pinangalanang lalaki na umano’y nagtatangkang manligaw o makipagkaibigan sa kanya kahit mayroon na itong karelasyon.
Ani Claudine, “Okay ako makipagkaibigan sa kahit sino. Pero kung may partner ka at willing mo s’yang iwan if sagutin kita, malabo ‘yun.
“Sorry, but I will never be the cause of another woman’s pain. Sinabi ko na sa ‘yo, iwasan mo ako, please lang. Nakakaabala at nakakabahala ka na.
“Salamat sa offer, pero marami na akong mga kaibigan at ayokong ipaalam pa ‘to sa partner mo.”
Well, kung sino ka man na nagtatangkang manligaw, sorry ka na lang dahil malinaw na ayaw niyang makasakit ng ibang babae.
Good job, Claudine. Pak na pak ka r’yan, as in tumpak!
Natuklasan ni Boobsie bago namatay…
ATE GAY, NAKA-OXYGEN NGA, ‘DI NAMAN BUKAS KAYA HIRAP HUMINGA
IBINAHAGI ng komedyanang si Boobsie Wonderland sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang nakakatawang alaala niya sa yumaong komedyanteng si Ate Gay.
Sa panayam, tinanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang natutunan niya sa naging karanasan ni Ate Gay at kung ano ang huling pag-uusap nila bago ito pumanaw noong November 1.
Tanong ni Boy, “Ano’ng natutunan mo sa karanasan ni Ate Gay?”
“Maging mas malapit po tayo sa Panginoon,” mabilis na sagot ni Boobsie.
Ikinuwento rin ni Boobsie ang huli nilang pagkikita ni Ate Gay na nauwi sa isang nakakatawang pangyayari. Aniya, nagtungo siya sa bahay ng pamilya ng komedyante upang mag-interview, ngunit laking-gulat niya nang malaman na naroon din mismo si Ate Gay.
“Pagpasok ko ng bahay nila, sabi ng kapatid n’ya, ‘Ma’am Boobsie, diretso na po kayo sa itaas.’ Sabi ko, ‘Bakit po ako pupunta sa itaas?’ Sagot ng kapatid n’ya, ‘Nandu’n po si Ate Gay,’” kuwento ni Boobsie.
Pag-akyat niya ay nadatnan niyang naka-oxygen si Ate Gay kaya agad niya itong tinanong kung ano ang nangyari.
“Ate Gay, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan?” tanong ni Boobsie.
“Kahapon pa ‘ko ‘di makahinga,” sagot daw ni Ate Gay.
Napansin naman ni Boobsie na hindi pala nakabukas ang tangke ng oxygen kaya agad niya itong tinulungan.
“Paanong ‘di ka makahinga, eh, ‘di nakabukas ‘yung oxygen,” sabi niya kay Ate Gay.
Dito na raw natawa nang husto ang komedyante nang malaman kung bakit hindi siya makahinga.
Ayon kay Boobsie, magmula umaga hanggang alas-singko nang hapon ay nakaratay na si Ate Gay at nagtitiis sa hirap ng paghinga dahil hindi pala nakabukas ang tangke ng oxygen.
“Boobsie, buti na lang dumating kayong mag-asawa,” sey daw ni Ate Gay.
Nang tuluyan nang gumana ang oxygen, nasabi pa raw ni Ate Gay, “Ay, ‘yun pala, ganito pala ‘to.”
Akala raw ni Boobsie ay nagpapatawa lamang si Ate Gay, ngunit totoong nahihirapan na pala itong huminga.
Rest in peace, Ate Gay. Marami kang napasaya.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments