Mula Nobyembre 4... Plastic barriers sa PUVs, out na — DOTr
- BULGAR

- Nov 1, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 1, 2021

Hindi na kakailanganin pa na maglagay sa mga public utility vehicles (PUVs) ng plastic dividers para mapaghiwalay ang mga pasahero simula sa Huwebes, Nobyembre 4.
“Wala rin hong medical findings ‘yung aming pag-aaral na ito po ay makakapagpaiwas ho sa paghawa ng COVID-19 bagkus ay ito po ay maaaring kabitan [kapitan] ng virus because of the plastic material,” ani Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Steven Pastor.
Matatandaang simula ng payagang mag-operate ang mga PUV drivers at operators ay ni-require sila na gumamit ng plastic barriers para mapaghiwalay ang mga pasahero sa loob ng kanilang mga unit at sumunod sa itinatakdang 50% capacity rule sa mga pampublikong transportasyon.
Simula rin sa Nobyembre 4, ang papayagang kapasidad sa PUVs ay nadagdagan nang 70%.
Paalala naman ng DOTr, patuloy nilang ipapatupad ang mahigpit na health safety measures sa mga PUVs sa kabila ng pagsasagawa ng naturang adjustments.




Comments