Mula 2022, ‘di na maglalabas ng COVID-19 bulletin sa socmed, sa website na lang ng DOH
- BULGAR
- Dec 30, 2021
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 30, 2021
Nagugulumihanan tayo sa desisyon ng Department of Health na itigil na ang paglabas ng daily COVID-19 bulletin sa social media mula Enero 2022.
Sa halip na social media, ilalabas na lamang daw ng DOH ang daily bulletin sa website nito.
“The public tracker, which has been operational since the start of the pandemic, contains all information being provided in the case bulletin and daily situation report,” ani DOH sa isang advisory noong Lunes.
“Hence, to streamline public communication, the case bulletin and the daily situation report will no longer be issued separately as social media card and as PDF file, respectively,” dagdag pa nito.
Nilalaman ng daily bulletin na inilalabas sa DOH social media pages, Viber at Telegram ang pinakahuling impormasyon sa mga bagong infection, fatalities, recoveries, active cases, positivity rate at healthcare utilization.
☻☻☻
Mainam na complementary effort ang daily bulletin sa social media para maging updated ang madla sa mga nangyayari tungkol sa pandemya.
Sa harap ng banta ng Omicron variant at sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayong holiday season, hindi magandang timing ang “streamlining.”
Karapatan ng mamamayan ang mas madaling access sa tama at makatotohanang impormasyon at ito ang papel na ginagampanan ng daily bulletin.
Hindi streamlining ang sagot, kundi ang pagpapadami pa ng mga daan na mapagkukuhanan ng impormasyon.
Nananawagan tayo sa DOH na pag-isipang mabuti ang kanilang pasya.
☻☻☻
Paalala sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments