Mukhang mag-tatay na raw… AGA, 'DI TANGGAP NG FANS PARA KAY JULIA
- BULGAR
- Jul 8, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 8, 2023

Hindi pa man nagsisimulang mag-shooting sina Aga Muhlach at Julia Barretto para sa kanilang pelikulang pagsasamahan, nag-react agad ang mga fans and supporters ng aktres.
Hindi raw bagay na maging magkapareha ang dalawa dahil sa laki ng agwat ng edad nila. In fact, para na nga raw mag-ama sina Aga at Julia dahil halos kaedad lang ng aktres ang mga anak ng veteran actor na sina Andres at Atasha Muhlach.
Puwera na lang siguro kung walang mangyayaring romantic relationship sa pagitan ng kanilang mga karakter sa pelikulang gagawin ng dalawa.
Sa haba ng itinakbo ng career ni Aga sa showbiz ay napatunayan na niya kung gaano siya kahusay bilang aktor. Kahit sinong aktres ay hindi siya aayawang makatrabaho sa isang project.
Kahit medyo nadagdagan ng timbang si Aga ngayong nagkaedad na siya, malakas pa rin ang kanyang karisma at appeal.
For sure, mas magle-level-up ang status ni Julia bilang aktres kapag nakasama niya si Aga sa isang pelikula.
Malaking challenge rin para kay Julia na makipagsabayan sa aktingan ni Aga, kaya’t ang dapat niyang gawin ay itodo ang kanyang effort sa mga eksena nila ng veteran actor.





Comments