Mukha raw kasing mahirap… ZEINAB, IPINA-BANNED ANG MADIR SA KASAL NIYA
- BULGAR
- Jun 13
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 13, 2025
Photo: Zeinab - IG
Another “Dennis Padilla” female version ang banat ng mga netizens sa ina ni Zeinab Harake na si Mariafe Ocampo, pagkatapos i-reveal na hindi siya pinayagan na maka-attend sa wedding ng anak at mister nito na si Bobby “Ray” Parks, Jr..
Hinanap kasi ng mga netizens ang ina ni Zeinab sa mga naglabasang videos and pictures ng wedding nila ni Ray.
Sumagot ang ina ni Zeinab sa comment ng netizen sa isang post sa socmed (social media).
Comment ng concerned netizen, “Sana naman sa araw ng kasal n’ya, nandoon ka, Teh Bong (ina ni Zeinab). Nakita namin sakripisyo mo dati nu’ng nag-majorite (read: majorette) pa si Zeinab noon. Kahit sa mga model n’ya, extra, sa hirap at ginhawa, ikaw ang kasama. Tapos sa araw ng kasal n’ya, wala ka. So sad naman, proud na proud pa naman sa kanya si Terry dati nu’ng buhay pa.”
Isang verified account na may pangalang “Mariafe Ocampo” ang nag-reply sa comment ng netizen. At doon niya ini-reveal na banned siya sa wedding ni Zeinab.
Sey ng ina ni Zeinab, “Ano po ang gagawin ko? ‘Di po ako pinapasok sa gate. Naka-banned po ako. Mahigpit na bilin ni Zeinab sa mga coordinator po then sa head guard and all guard po. Kaya uwi na lang po ako. Ano gagawin ko po? Pilitin ‘yung guard?
Nakipag-usap na nga po ako sa coordinator sa loob. ‘Yung guard, ‘di po talaga papasukin, mother ni Zeinab. ‘Yun po ang utos ni Zeinab sa kanila. Okey na po ba?”
Angal naman ng ibang mga netizens…
“May rason ‘yan. Hindi ka ika-cut-off ng kapamilya mo nang ganu’n-ganu’n na lang.”
“Iba-iba naman ang anak. May mga anak na makikipagpatayan talaga dahil sa pagmamahal sa magulang. May mga anak naman na walang pakialam at walang utang na loob.”
“Tama ka sa observation mo. Mas inirespeto ‘yung tatay, palibhasa foreigner. Heto, walang respeto sa nanay, palibhasa mukhang mahirap. Banned pa.”
In defense to Zeinab, may mga sinabi rin ang netizens:
“Paano kung may abuse na nangyari, parang kay Charice, Sarah, H2WO, at Carlos Yulo?”
“Ang daling husgahan agad ang anak, pero hindi natin alam what really goes on.”
“I saw previous vlog kasama mama niya. Okey sila.”
“Kasama ni Zeinab nanay n’ya mula sa hirap. ‘Yan nagtaguyod sa kanila nu’ng wala tatay n’ya, at lagi n’ya ikinukuwento ‘yan, mga happenings nila ng nanay n’ya sa vlogs until recently. I don't know why bigla sila nagka-gap.”
Hays… Another sad story of parent-child relationship.
‘Di raw kayang maging sunud-sunuran lang…
ROMNICK, ATRAS MAG-PULITIKO
Nag-post ang singer-actress na si Agot Isidro sa X (dating Twitter) bilang reaksiyon sa nangyari sa Senado at naging desisyon nila sa impeachment complaint laban kay Vice- President Sara Duterte.
Nauna nang naglabas sa social media ng kanilang reaksiyon ang dalawa pang aktor na very opinionated sa nangyayari sa socio-political state ng ating bayan, sina John Arcilla at Romnick Sarmenta.
Si Agot ay kilala rin bilang isa sa mga artista sa industriya na mataas ang social-political awareness.
Post ni Agot sa X, “Sa gitna ng kaguluhan, nasaan na si Mary Grace Piattos at ang P125 million?”
Si “Mary Grace Piattos” ay hinahanap ng gobyerno dahil allegedly ay recipient ng confidential funds mula sa office ni VP Sara.
Sa comment section ng post ni Agot sa X kahapon, nagbiro si Romnick bilang tugon sa tanong ng singer-actress.
Comment ni Romnick, “Papuntang Malaysia… Malay n’ya sa Senado (laughing emoji).”
Lumabas sa news kahapon na lumipad papuntang Malaysia si VP Sara.
Kaya sey ng mga netizens kay Romnick: “Tumakas na!”
“Malaysian Tour. Baka nasa Genting. Or nagpapa-pic sa Iconic Twin Tower. Habang nagkakagulo sa Senado, chill lang s’ya kasi halos lahat ng senador, nababahag ang buntot laban sa kanya.”
May nag-reply din sa comment ni Romnick na pinapatakbo ang aktor sa susunod na eleksiyon.
Sey nila, “Kuya! Baka ito na ang tamang panahon para tumakbo ka (three laughing emojis).”
Sagot ni Romnick, “Naku! Ayoko... ‘di ko kaya ‘yung papalit-palit ng karakter at pasunud-sunod sa agos (smiling with sweat emoji).”
Pahabol niya, “Magmo-motor na lang po ako (smiling face emoji).”
Going back to Agot, nasaan na nga ba itong si Mary Grace Piattos na parang imbento lang ang pangalan at kinuha sa pangalan ng kilalang resto at junk food?
Comments