top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mukha raw 25-anyos, puring-puri… SHARON, KASING-SEXY NA NI JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 7, 2025



Photo: Sharon Cuneta at Julia Montes - Instagram


Tulad nga ng kanyang naunang announcement, dumalo si Sharon Cuneta for the very first time sa ABS-CBN Ball na ginanap nitong nakaraang Friday sa Solaire Resort North.

Kasamang dumalo ni Megastar ang kanyang asawang si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan at magkasabay din sila of course na rumampa sa red carpet.


Ayon kay Shawie sa red-carpet interview, excited siya sa kanyang very first ABS-CBN Ball 2025 and looking forward siya na makita’t makasama ang mga Kapamilya stars, lalo na nga sina Coco Martin and Julia Montes na parang mga anak na niya kung ituring.


Sunud-sunod nga ang mga posts ni Mega ng mga larawan niya with the Kapamilya stars sa kanyang Instagram (IG) at kitang-kita na talagang nag-enjoy siya sa party.


Sa isang litrato na kanyang ibinahagi ay makikitang kasama nila ni Kiko sina Julia and Coco at iba pang cast ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Sa isa namang photo ay kasama nila sina Vice Ganda and Anne Curtis.


Sa isa pang larawan ay makikita namang kasama niya sina Piolo Pascual and Charo Santos. 


Sa isang larawan ni Sharon na kasama si Julia ay makikitang halos magkasingpayat na sila. Ganu’n kalaki na ang ipinayat ni Mega, in fairness.


Samantala, puring-puri naman ng designer na si Rajo Laurel ang look ni Sharon that night.


“My favorite tonight is Sharon Cuneta,” saad ni Rajo na nandu'n din sa event. 


Dagdag pa niya, “I mean, have you seen Sharon Cuneta now? I mean, my God! She looks like she’s 25! She was incredible.”


Sharon was wearing a simple but elegant nude gown created by Jot Losa at puring-puri rin ito ni Rajo.


“She’s so elegant and simple. Kudos to Jot Losa, kudos to Sharon Cuneta. You’re inspiring everyone to get healthy, beautiful and to get in shape,” papuri pa ni Rajo.



ANG daming naaliw sa birthday post ni Melai Cantiveros kahapon, April 6.

Bilang kaarawan nga niya, nakiuso rin ang TV host-comedienne sa pagkakaroon ng birthday shoot.


At ang naisip ni Melai na concept for her pictorial ay calendar girl siya ng tuba.

Mala-calendar girl nga ang sexy pictorial ni Melai na lumaban din talaga sa paseksihan.

Katabi niya pa ang isang galong tuba sa larawan.


Aliw nga ang dalawang photos kung saan ay makikitang nakasubo sa bibig niya ang balat ng puno ng buko.


Sa mga hindi nakakaalam, ang tuba ay isang uri ng tradisyonal na alak sa Pilipinas na mula sa niyog o buko.


Sey ni Melai sa caption, “Akala n’yo @bernardokath and @ivanaalawi kayo lang ang magaling sa ganito na posing?  Tama ang akala n’yo kayo lang tlaga kasi pangit ng kalabasan ko rito, Hahaha!”


Patuloy pa niya, alam niyang makakatanggap siya ng bashings sa post na ito.

“This is my Birthday Bash Post, totoong bash talaga makukuha ko dito Pero shout out d’yan sa mga Kuantie and mga Momshie na ready ang tuba at Bahalina sa bday na may kasamang chismisan pa. The Best, happy bday to me #AprilFoolsBdayToMe #TubaChronicles


“Thank you sa mga following na nabudol ko sa pictorial na ito,” saad pa niya.

Siyempre, tulad ng ibang pictorial shoots, may pa-thank you rin si Melai sa photographer, sa nagdisenyo ng background, sa make-up at sa hairstylist/stylist.

Pahabol pa niyang hirit, “Pagbigyan n’yo na ako birthday ko naman (finger heart and love emoji). 


“Promise, ‘di na ‘to mauulit (laughing emoji).”


Sa comment section ay nagkagulo ang mga netizens at mga kapwa-celebrities sa pasabog ni Melai.


“HAPPY BIRTHDAY!!! WALA NA TINAPOS MO NA ANG LABAN (queen and heart emoji)” komento ni Ivana Alawi.


“You’re the best, twinny one (heart emoji) happy birthday!!” pagbati naman ni Angelica Panganiban.


“Happy birthday Melai! Ang init ng summer! (fire heart emoji),” mensahe naman ni Jericho Rosales.


“Melai!!!! Buang jud ka! (laughing emoji) happy birthday, dai! (pink heart and cake emoji),” komento naman ni Kaye Abad.


“GRABE KA! (laughing emoji),” sey ni Robi Domingo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page