top of page
Search
  • BULGAR

Mukha lang daw silang mag-utol ni Kobe… ERIKA, NAPIKON SA NETIZEN, MINURA

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 3, 2022



Turned-off ang mga netizens sa anak ng dating sexy star na si Ina Raymundo na si Erika Poturnak nu'ng murahin niya ang netizen na nag-comment sa kanyang Instagram post kasama ang boyfriend na si Kobe Paras.


Kuha sa Bali, Indonesia ang pictures ng latest celebrity couple na pinagpipistahan sa social media ngayon.


Nag-post ng comment ang netizen na “sibling love” sa IG post ni Erika at nag-reply naman ang huli.


“HAHAHAHAHAH t*ng ina,” reply-post ni Erika.


“Badass! Nagmumura ng Tagalog. LOL”


Tinawag naman na “nobodies” ng netizen ang celebrity couple.


“Nobodies with no talent.”


Pinalagan ito ng mga supporters nina Kobe at Erika.


“Ano'ng walang talent, Erika can sing! 'Kahiya naman sa 'yo, te.”


“So, they have to have talents? They're famous but they're not in showbiz. Nobody? Kobe is nobody? Maybe in your world. Hahaha!”


Description naman ng isa pang netizen sa magdyowa, “Young. Wild. Free."


Hindi naman type ng mga netizens ang mga tattoo ni Kobe sa katawan.

“Ang chaka ng tattoos ni Kobe, sayang.”


“Kaya nga. Full body pa man din.”


“Nag-ala-Justin Bieber na 'tong si Paras na puno ng tattoo.”


“Hindi na siya pogi gaya noong dati. Nagmukha na siyang matanda, tapos ang dami pang tattoos, sayang naman.”


Pero may nagtanggol kay Kobe.


“'Di mo naman katawan. He can do whatever he wants.”


Say pa ng mga netizens sa newest celeb couple, “Let them be happy. Wala naman silang inagaw.”


“Never liked them. There’s something about them na parang ang off.”


Anyway, pansin namin, may hawig si Erika sa ina ni Kobe na si Jackie Forster.


Tama ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page