Mukha, ginamit sa porn video… ANGEL, KINALAMPAG ANG SENADO NA AKSIYUNAN ANG DEEPFAKES
- BULGAR

- Sep 6
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 6, 2025

Photo: Angel Aquino - IG
Tinuligsa ng aktres na si Angel Aquino at content creator na si Queen Hera ang paggamit ng deepfakes (AI generated videos-photos) para ipaglaban ang karapatan nila nang dumalo sila sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kamakailan.
Ipinarating kasi sa kanya ng isang kaibigan na ginamit ang kanyang mukha sa isang porn video. Hindi nagdalawang-isip ang aktres na dumulog sa Senado para magreklamo.
Pahayag ni Angel, “I think any one of us, kung makita natin ‘yung mukha natin na nasa isang porn video, I don’t know how you’d feel, but it’s really nakakabastos.
“Nang malaman ko ang aking deepfake, ang aking reaksiyon ay parehong panloob at pisikal. Para kong nasusuka. Nakaramdam ako ng sakit, pagkahilo, pagkalito, at pagkatulala sa simula. Pagkatapos, ito ay inis at galit bilang isang tao sa isang mapanghimagsik at nakakahiyang paraan.”
Patuloy pa ng aktres, “Naiintindihan ko na ang pagiging pampublikong pag-aari ay isa sa mga trade-off ng trabahong ito. Pero sana naman, hanggang sa isang lawak lang, ‘di ba? Ang paglalagay ng ating sarili doon ay hindi nagbibigay ng pahintulot sa mga tao na murahin tayo, siraan tayo, i-harass, o paghiwalayin tayo, o gawin ang anumang gusto nilang gawin sa atin.”
Sa kabilang banda, ikinuwento rin ni Queen Hera kung paano ginamit ang larawan ng kanyang anak para sa isang porn.
Pahayag nito, “May nag-DM sa akin sa Instagram (IG) saying na ‘yung anak ko ay nakita sa isang dark web. At nakita ko mismo ‘yung picture n’ya. Naka-edit ‘yung mukha n’ya sa isang private part ng isang lalaki.
“As a mother, sobrang heartbreaking noon para sa akin. I felt helpless at that time, and knowing na parang wala nang safe kahit online, kahit inosente ang post mo, hindi ito ligtas sa mga taong nakakapanood.”
Nagsampa na raw siya ng reklamo, pero inamin ng Philippine National Police (PNP) na mahirap matunton ang mga salarin.
Ang mga apps na “nudify” na pinapagana ng AI (artificial intelligence) ay isang mapanlinlang na site o digital blackmail.
Umapela si Angel para sa mga batas na mahuli at maparusahan ang mga gumagawa ng deepfakes.
“Ang mga malalaswang larawan at video na ito ay nakakasakit at lumalabag sa mga tunay na tao. Hinihimok ko kayong lahat na kumilos, parusahan ang mga may kasalanan, ang mga nagbabahagi at nagre-repost, ang mga website na nagho-host nito, ang mga platform na pumipikit habang ito ay kumakalat.
“Ang mga kumikita rito ay may pananagutan dahil ang pinsala ay dumarami sa bawat pag-click, bawat pagbabahagi, bawat pagtingin,” ani Angel Aquino sa harap ng mga senador.
Hinimok naman ni Committee Chair Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na kumilos nang mabilis.
Binanggit niya ang isang ulat na nagsasabing 95 porsiyento ng mga deepfakes ay pornograpiya at 90 porsiyento ng mga biktima ay mga kababaihan at bata.
Binigyang-diin niya na kahit ang mga batang lalaki ay vulnerable sa deepfakes.
PRANGKA ang naging reaksiyon ni Andi Eigenmann sa mga komentong ‘madungis’ umano ang kanyang mga anak.
Dinepensahan niya sina Lilo at Koa nang makita ng mga netizens sa isang video na namimitas ng wildflower at mukhang magulo raw.
Prangka ang naging tugon ni Andi sa Instagram (IG) Stories niya. Binigyang-diin ng celebrity mom na mas gusto niyang maranasan ng kanyang mga anak ang buhay nang buo, kahit na ang ibig sabihin nito ay maging madumi, kaysa hindi maranasan ang ganda ng mundo.
Sa kanyang on-screen caption, tinugunan ng aktres ang mga batikos.
“Ang dami nang nagkokomento tungkol sa mga anak ko na mukhang madungis,” simula niya.
Tinapos niya ang kanyang mensahe sa isang paalala tungkol sa kung ano ang tunay na mahalaga sa kanya bilang ina.
Aniya, “Walang magulang na perpekto, pero mas gugustuhin kong maging magulo sa buhay na buo, kaysa malinis sa pagkakaupo at mahiwalay dito.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na lantarang ipinagtanggol ni Andi ang kanyang parenting. Mula nang lumipat sa Siargao kasama ang kanyang longtime partner na si Philmar Alipayo, madalas niyang idinidiin ang pagpapalaki sa kanyang mga anak na malapit sa kalikasan, inuuna ang mga karanasan kaysa sa kasikatan.








Comments