MTRCB pinaaalis sa Netflix ang episodes ng ‘Pine Gap’ na ipinakita ang 9-dash line ng China
- BULGAR
- Nov 2, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 2, 2021

Ipinaaalis ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Netflix ang episodes ng spy drama “Pine Gap” na makikita ang nine-dash line ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
"After a thorough review, the Board ruled that certain episodes of Pine Gap are 'unfit for public exhibition.' The MTRCB also ordered the immediate pull-out of relevant episodes by its provider, Netflix Inc, from its video streaming platform," pahayag ng Department of Foreign Affairs nitong Lunes.
Ang nine-dash line na mapa na ginawa ng China ay sumasakop sa halos buong South China Sea, kabilang ang mga teritoryong sakop ng Pilipinas, at maging ng iba pang bansa.
"The portrayal of the illegal nine-dash line in Pine Gap is no accident as it was consciously designed and calculated to specifically convey a message that China’s nine-dash line legitimately exists," ayon pa sa DFA.
Ang "Pine Gap" ay isang Australian television series na inilabas ng Netflix at unang napanood sa ABC noong 2018.
Wala pang pahayag ang Netflix hinggil sa usaping ito.
Comments