MRT3, tigil-operasyon mula Abril 13-17
- BULGAR

- Mar 16, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | March 16, 2022

Inianunsiyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ngayong Miyerkules, ang suspensyon ng kanilang operasyon para magbigay-daan sa kanilang taunang preventive maintenance activities.
Sa isang Facebook post ng pamunuan, suspendido ang operasyon ng MRT3 simula Abril 13 hanggang Abril 17, 2022, habang ang normal operations ay magpapatuloy sa Abril 18, 2022.
Para sa taong 2022, ang Holy Week ay magsisimula sa Abril 10 hanggang Abril 16.








Comments