top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mr. Fu, 'di raw ka-level, inayawan kaya binanatan... KRIS, HINAMON SI CRISTY FERMIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 9, 2020
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 9, 2020




Nang maglabas ng sama ng loob si ‘Nay Cristy Fermin kay Kris Aquino dahil sa pagtanggi ng huli kay Mr. Fu na makasama sa online show nilang produced ng Puregold ay inabangan ng lahat ang sagot ng Queen of Social Media, pero wala itong sagot.


Hanggang sa nang mag-post ang kaibigang editor ni Kris na si Dindo Balares sa kanyang IG account ng larawan nilang tatlo kasama si ‘Nay Cristy ay dito sumagot ang una.


Ang caption ni Dindo sa larawan nilang tatlo: “May mga nagpapadala sa akin ng links sa items ng hidwaan nina Nanay Cristy at Kris. May ilang media friends din na nagtatanong kung ano ang nangyayari.


“Ganito po ang sitwasyon ko. Imagine, may ermitanyong nag-aayos ng kanyang taniman ng buyo na winasak ng bagyo. May dumating, nagbalita na may hindi pagkakaunawaan ang anak ko at ang nanay ko.


“Makakapamili ba ako ng kakampihan?


“Alam pareho nina Kris at 'Nay Cristy, at maging ng lahat na malalapit sa akin, hindi ako pala-gatong sa away, na peacemaker ako. Nakapag-alaga na ba kayo ng dove o kalapati? Kusang umaalis ang mga kalapati 'pag panay ang away ng pamilya ng nag-aalaga.


“Ganyan ako. Kaya nga ako bumalik sa pagtatanim.


“Pareho kong mahal ang nanay at ang anak ko, na parehong strong personality. Parehong sikat. Ako'y retired na, isang hamak na magsasaka na lamang.


“Pero kung mahal talaga nila ako, tulad din ng pagmamahal ko sa kanila, at gusto nilang magkaayos o magkasundo, alam nilang isang tawag lang ako.”


Nagulat ang editor friend ni Kris dahil sumagot ang TV host na naglabas din ng sama ng loob niya sa mga sinabi ni ‘Nay Cristy.


“Dito ako papalag, Kuya Dindo. Nagsalita ba 'ko laban sa “nanay”mo? Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao n’ya?


“Sa daming beses na pinagsalitaan n’ya ko ng lahat ng pinakamasasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan- ni minsan ba, pumatol ako? Ang alam ko sa away o laban, parang boxing, parehong dapat pumasok sa boxing ring- eh para um-effort nga na pumunta sa Elorde Gym nga, wala talaga akong balak mag-commute, mag-Grab, o magpa-drive. I saved all the messages @akosilolitsolis & I exchanged starting from October 28.


“Maglabas sila ng kahit sino mula sa side ng Puregold na puwedeng magpatunay sa mga ipinaratang sa 'kin dahil ang client na producer ang puwedeng magbigay-linaw sa lahat.


“There are battles worth fighting & there are stories worth correcting, sa dami ng problema ng mga tao at sa mga responsibilidad ko sa buhay, hindi ito ang uunahin kong asikasuhin. Mas maka-tao at may katuturan kung tumulong ako sa mga Bicolano dahil sila ang talagang mabigat ang dinadala. Hindi ako nagbibitiw ng salita lalo na sa pagtulong sa abot ng aking makakaya. Kung hindi ko ‘to gagawin I understand you, a person can potentially have many children, but you will only have 1 mother.


“No hard feelings, ‘yung naging “anak” mo, nagbago na talaga, pero hindi ibig sabihin nu’n, mapapalitan ang dugong nanggaling kay Ninoy & Cory. Marunong pa ring manindigan 'pag sigurado na katotohanan ang pinanghahawakan, hindi lang nga nararamdaman na kailangan pang ipagsigawan ngayon. Alam ko na- I do not have to attend every fight I’m invited to. I cannot control what people will say about me or do to me, BUT I can control my reaction & subsequent actions.”


Bukas ang pahinang ito para kay ‘Nay Cristy Fermin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page