top of page
Search
  • BULGAR

MOVIE NINA SEN. BONG, COCO, LITO, ROBIN ATBP., 'DI TULOY

ni Julie Bonifacio @Winner | April 9, 2024




It's been a while since we had our last interview with Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.. Buhay pa noon ang tinaguriang Dean of Entertainment Writers na si Manay Ethel Ramos (RIP) who’s been Sen. Bong’s publicist for how many decades. 


Fresh pa rin sa aming memory kapag isinasama kami ni Manay Ethel sa pagdalaw niya kay Sen. Bong na nakakulong noon sa PNP Custodial facility sa loob ng Camp Crame sa EDSA.


Last Sunday, muling nakapiling si Sen. Bong exclusively ng officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa isang pananghalian. 


On Saturday, ipagdiriwang naman ng nag-iisang misis ni Sen. Bong na si Bacoor City Representative Lani Mercado ang kanyang 56th birthday.


“Regalo kay Lani? Makita lang niya akong nakangiti sa kanyang harapan at buung-buo niyang pagmamahal... maligaya na ako,” nakangiting sabi ni Sen. Bong.


May bahid ng katotohanan ang sinasabi ni Sen. Bong dahil nu’ng nakausap din ng PMPC si Cong. Lani noong mayor pa siya ng Bacoor City, aniya, wala na siyang mahihiling sa buhay kundi makasama ang kanyang mister especially on Christmas at sa birthday niya.


“Oo, totoo naman,” pagsang-ayon ni Sen. Bong. "Bibigyan mo ng medalya si Lani. Binigyan ko pa ng crown.”


Nasambit na rin minsan ni Cong. Lani sa PMPC na mahirap maging asawa ni Bong Revilla. Sa tingin ni Sen. Bong, bakit nasabi ito ng misis niya?


“Isipin mo ‘yung mga pinagdaanan ni Bong Revilla, it’s a rollercoaster ride. Mahirap talaga.


Kaya sinasaluduhan ko siya dahil napanindigan niyang maging asawa ng isang Bong Revilla.


Dahil hindi kakayanin ‘yun ng isang weak na babae. 


“Tough siya. She’s a very tough wife. At uh, hard act to follow. Iba ang personalidad niya. She knows what she wants. At saka alam niya ang tama at mali, alam niya kung ano ang dapat gawin,” papuri pa ni Sen. Bong kay Cong. Lani.


Aprub naman kay Sen. Bong ang pagpapaseksi ni Cong. Lani na sinisikap na 'wag tumaba.


“Oo, actually, kaya seksi, eh. Kaya panay ang paseksi niya dahil nakikita niya ‘yung mga leading ladies ko, panay seksi. Napapaligiran ng mga seksi si Tolome (pangalan ng karakter ni Sen. Bong sa programa niya sa GMA-7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na napapanood tuwing Linggo ng gabi)."


Bukod sa programa sa GMA-7, magbabalik-pelikula na rin si Sen. Bong. Tuloy na tuloy na ang paggawa niya ng movie para sa darating na Metro Manila Film Festival 2024.


“Yes,” excited na sabi ni Sen. Bong. “But hindi ko rin masiguro kung mapipili ang movie ko.


Siyempre, kailangang maaprubahan pa ng MMFF (Metro Manila Film Festival).”


Muling bubuhayin ni Sen. Bong ang pinasikat niyang karakter na isang pulis-probinsiya sa pelikula, ang Alyas Pogi.  


“Pero abangan na lang natin. Basta malaking pelikula ang ipine-prepare natin. Napakatindi ng casting,” pagbabalita pa ni Sen. Bong. 


Ayaw magbanggit ni Sen. Bong ng anumang pangalan ng artista na kasama sa Alyas Pogi. But it’s definite na ang magdidirek ng pelikula ay si Dondon Santos.


Naibalita rin sa amin ni Sen. Bong na malabo nang matuloy ang movie project na “niluluto” na pagsasama-samahan nila ng ibang action superstars gaya nina Coco Martin, Phillip Salvador, Robin Padilla at Lito Lapid.


Esplika niya, “Sa laki kasi ng project at saka ‘yung preparation niya, mahaba. So, hindi rin aabot for this year’s ano (MMFF). ‘Yung schedule lang namin, nagkakapatung-patong na.


(Maybe) Some other time, yes, yes!”


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page