top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MOVIE NI VICE, INIREKLAMO, LAGLAG SA MMFF

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 26, 2020




Hindi pumasok ang movie ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 3 sa MMFF 2020.


Una nang inanunsiyo ni Vice na ang pelikula niyang Praybeyt Benjamin 3 ang filmfest entry niya ngayong 2020. But sad to say, hindi ito kasama sa inilabas na listahan ng 10 pelikula na pang- MMFF this year.


Siyempre, nalungkot ang It’s Showtime host dahil ang makapagbigay-saya lalung-lalo na sa mga kabataan ang lagi niyang Christmas gift every December.


Ano kaya ang magiging saloobin ni Vice na ni-reject ang kanyang Praybeyt Benjamin 3 ng MMFF Committee?


May nagtatanong kung may kaugnayan daw ba rito ang reklamo noon ng director na si Erik Matti nang malamang pasok na naman ang movie ni Vice sa MMFF?


Noong wala pang announcement ang MMFF sa mga official entries ay matunog ang pelikula ni Vice na makakapasok. Pinuna ito ni Direk Matti na wala na raw bang iba at Praybeyt Benjamin na naman?


Pero, may balita namang kaya hindi nasama sa official MMFF entries ang movie ni Vice ay dahil hindi raw umabot sa deadline.


Ano kaya rito ang totoo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page